Mga Netizens Hinangaan ang Isang Tahanan na Mayroong Kaaaya-ayang Disenyo at Napakagandang Garden

Mahalaga sa buhay ng isang tao ang pagkakaroon ng sariling tahanan, lalo na kung siya ay mayroon ng sarili niyang pamilya, kaya naman marami sa atin lalo na sa mga mayroon ng pamilya ang talagang puspusan ang ginagawang pagbabanat ng buto para mabigyan ng katuparan ang pangarap nilang tahanan.

Sa kabila naman nito batid natin na hindi basta-basta ang pagpapatayo o pagpapagawa ng isang tahanan, dahil ang halaga ngmga materyales ngayon pati labor ay hindi biro. Ang halaga ng isang tahanan ay babase din sa kung gaano kalaki at kaganda ang disenyo nito.

Marami naman talaga ang isaalang-alang sa pagpapagawa ng isang tahanan, kagaya na lamang ng future expansion o kung ano ang magiging hitsura ng kapaligiran nito.

Samantala, pagdating sa usaping tahanan nito lamang nakaraan sa social media ay may isang tahanan na agaw na umagaw sa pansin ng maraming mga netizens, ito ay dahil sa simple ngunit napakaganda nitong disenyo mapalabas o mapaloob man, idagdag pa ang napakaaliwalas na kapaligiran nito dahil sa kamangha-mangha nitong garden.

Ang tahanan na ito ay mayroong modernong disenyo, kung saan ang bubong nito ay flat at mayroon itong kanya-anyayang porch sa harapang bahagi nito. Tunay na kahit sino ay mapapaibig na manirahan sa ganitong klase ng tahanan, dahil sa pagiging maaliwalas nito.

Mas naging elegante at moderno din ang tahanan na ito dahil sa naglalakihan nitong vertical glass window, samantala ang glass doors nito ay kaya gumawa ng ilusyon sa pagitan ng interior at exterior ng naturang tahanan.

Tunay ding kanya-anya ang harapan ng tahanan na ito, dahil maliban sa porch nito ay napakaganda din ng makikita mong tanawin mula rito dahil napapalibutan ang buong kabahayan na ito ng mga luntiang halaman.

Makikita rin na may Zen garden-inspired ang tahanan na ito, kung saan ito ay maarong maging picnic area ng pamilyang maninirahan dito.

Kung ang labas ng tahanan na ito ay nakaka-anyaya na, mas lalo pa ang loob nito na dahil sa peach-colored walls nito na nagpa-elegante ritong tingnan. Agad ding mapapansin na ang naglalakihan vertical glass window ng tahanan na ito ay nagbibigay ng natural na liwanag sa buong loob ng bahay.

Napaka-ayos, linis, at ganda rin ng bathroom area ng tahanan na ito, dahil sa kakaibang istilo nito na mayroong kakaibang epekto dahil sa black at white nitong tema. Mapapansin naman ang isang artwork sa loob ng bathroom area na ito, na siyang nagbigay ng karagdagang kulay dito.


Tila napakasimple ng tahanan na ito, ngunit ayon sa ulat, ang halaga ng ganitong tahanan ay umabot sa Php1.8 milyong piso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *