Mamangha sa Modernong Tahanan na Ito na Mayroong Nag-gagandahang Furnitures na Gawa sa Kahoy

Sa panahon ngayon, moderno na ang pangkaraniwang disenyo ng mga bahay. Mapapansin nga na halos lahat ng tahanan ngayon ay gawa na sa konkretong materyales at mayroong kakaiba at modernong disenyo na makikita sa loob at labas ng bahay.Sa kabila nito, may iilang tahanan na kakikitaan pa rin ng mga disenyo na gawang Pinoy.

Photo credits to the owner

Photo credits to the owner

Isang halimbawa rito ay ang tahanang ito na gawa sa konkretong materyales. Kahit moderno ang dating ng bahay, masasabing napakapresko pa rin dito dahil sa labas pa lamang ng bahay ay makikitang punong-puno na ng makukulay na halaman ang paligid nito. Makikita rin ang iba’t ibang halaman na ito sa napakagandang porch ng bahay.

Photo credits to the owner

Perpekto ito bilang pahingahan ng pamilya o kaya naman ay espasyo para sa kanilang mga bisita. Bagamat moderno ang panlabas na itsura ng bahay, makikita naman sa loob ang native na mga dekorasyon at kakaibang mwebles na gawa sa kahoy.

Walang duda na talagang mamamangha ang sinumang papasok dito dahil sa nakakabilib na disenyo ng mga ito.

Photo credits to the owner

Kapansin-pansin din na kaiba sa open layout na pangkaraniwan na sa mga tahanan ngayon, tradisyunal pa rin ang disenyo ng bahay na ito. Makikita ang modernong kusina ng bahay sa hiwalay na silid ng tahanan.

Photo credits to the owner

Mula naman sa kabilang sulok ng unang palapag ng bahay, matatanaw ang maliit na vegetable garden ng pamilya kung saan nakakapag-ani sila ng kanilang mga pananim na gulay at prutas. Makikita rin dito ang kanilang mga alagang hayop.

Photo credits to the owner

Photo credits to the owner

Gaya ng magagandang espasyo sa unang palapag ng bahay, may karagdagang pahingahan rin na makikita sa ikalawang palapag nito.

Maaaring makapagbonding o kaya naman ay makapagpahinga ang bawat miyembro ng pamilya sa balcony. Bukod dito, tiyak na magugustuhan nila ang napakagandang view na matatanaw mula rito.

Photo credits to the owner

Photo credits to the owner

Dahil sa ilang common areas ng bahay, talagang masasabing perpekto ang bahay na ito para sa mga pamilya. Kakaiba ngunit maganda rin ang kombinasyon ng disenyo nito.

Photo credits to the owner

Bukod dito, mapapansin na swak na swak ang sukat ng bahay at ng garden na nakapalibot dito para sa isang maliit na pamilya. Para sa mga indibidwal na nais rin magtayo ng parehong tahanan, maaaring umabot sa PhP1.5 million ang halagang magagastos para dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *