Mamangha sa Hugis Tatsulok na Retirement Home na Ipinagawa ng Magkapatid na Ito Para sa Kanilang mga Magulang

Sa panahon ngayon, kinakailangang paghandaan ng mga magulang at mga anak ang kanilang magiging retirement home upang masigurong magkakaroon sila ng komportableng lugar kung saan sila mamamalagi. Dahil dito, talagang kahanga-hanga ang bahay na ipinatayo ng magkapatid na ito para sa kanilang mga magulang. Bukod sa magandang lokasyon nito, kakaiba at kaaya-aya rin ang disenyo nito.

Photo credits to the owner

Inilaan ang triangle house na ito bilang retirement home para sa magulang ng magkapatid na ito ngunit dahil matagal pa ang hihintaying panahon bago ang retirement ng kanilang mga magulang, nagpasya sila na pansamantala itong gawing vacation home. Dito na nga nagbukas ang Casa Pondevida.

Photo credits to the owner

Maituturing na isang tiny house ang bahay na ito. Bagamat limitado lamang ang espasyo sa loob ng bahay, makikitang sapat pa rin ang espasyo para sa ilang tao. Sa katunayan, maaaring maging karagdagang bedroom ang espasyo sa living area.

Photo credits to the owner

Pagdating naman sa kusina, makikitang maliit lamang ito ngunit kumpleto pa rin sa pinaka-importanteng mga kagamitan. Mayroon ding counter space at isang simpleng mesa kung saan maaaring magsalo-salo ang mga guests. Hindi rin mawawala ang malawak na comfort room sa loob ng tiny house.

Photo credits to the owner

Photo credits to the owner

Photo credits to the owner

Photo credits to the owner
Dahil sa hugis ng tiny house na ito, nagkaroon sila ng pagkakataon na maglagay ng balcony sa magkabilang bahagi ng bahay. Makikita ito sa ikalawang palapag ng triangle house kaya naman mula rito, matatanaw ng mga bakasyunista ang napakagandang view ng lugar.

Photo credits to the owner

Makikita rin dito ang iba’t ibang halaman kaya naman perpekto rin ito bilang pahingahan ng mga bisita kung saan maaari silang magsalo-salo o kaya naman ay mag-bonding. Bukod dito, mapapansin din na mayroong sapat na outdoor space sa paligid ng tiny house kaya naman iba’t ibang aktibidad ang pwedeng magawa ng sinumang bibisita rito. Isa pa, malayo rin ito mula sa syudad kaya naman talagang napakatahimik at presko ang hangin dito.

Photo credits to the owner

Nakakadagdag ito sa pagiging perpekto ng Casa Pondevida para sa mga bakasyunistang nais na pansamantalang iwasan ang ingay sa syudad.
Sa halagang Php1 million ay maaaring maitayo ang istruktura gaya ng Casa Pondevida at gaya nito ay siguradong magiging kahanga-hanga ang triangle house na ito.

Para naman sa pamilyang nagmamay-ari nito, magandang napagkakakitaan nila ito sa kasalukuyan at swak rin ito bilang retirement home para sa kanilang mga magulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *