Mamangha sa Hello Kitty Theme House na ito, na Punong Puno ng mga Hello Kitty Collection Display 

Hello Kitty lover ka ba? kung ‘yes’ marahil ay mai-inspire ka sa tahanan na ito na hindi lamang isang Hello Kitty house kundi puno din ito ng iba’t ibang mga hello kitty collections.

Makikita din sa tahanang ito na halos lahat ng mga gamit at maging mga display ay Hello Kitty ang design, pati ang mismong sliding gate nito ay hindi rin nagpahuli sa napakagandang disenyo nito na Hello Kitty.

Talaga namang ang mga ganitong klase ng tahanan na mayroong mga disenyo ng popular na cartoon character ay tunay na nakakaaliw at nakakagiliw, lalo na para sa mga mahihilig dito.

Masasabi naman na talagang Hello Kitty lover ang may-ari ng tahanan na ito dahil maging ang kanyang mga planters sa kanyang garden ay may motif din na Hello Kitty.

Makikitang puno ang garden niya ng iba’t ibang mga tanim, at mas naging napakaganda nitong pagmasdan dahil sa cutesy look nito.

Samantala, agad naman na mapapansin sa tahanan na ito na sa kabila ng Hello Kitty na tema nito ay hindi naman basta mga bata lamang ang nakatira rito, dahil ang hagdan na patungo sa ikalawang palapag ay nagpapakita na may mga matatanda rin na nakatira rito na mahilig din talaga sa Hello Kitty.

Pagpasok naman sa loob ng nasabing Hello Kitty house ay agad na mamangha sa napakaraming mga Hello Kitty items na naka-display dito, magmula sa mga kagamitan na mga lamps, clocks, dressers, closet at beds. Marami ring mga Hello Kitty stuff toys dito.

Maging ang trash can sa tahanan na ito ay makikita na Hello Kitty din, ganun din ang iba pang gamit sa kusina tulad na lamang ng basahan, water bottles, lunch box, stove, organizer, rice cooker, water dispenser, fridge ay puro mga Hello Kitty items din lahat.

Sa likurang bahagi naman ay makikita ang tila laundry area, kung saan naroroon ang washing machine na siyempre hindi rin nahuli sa disenyo nitong Hello Kitty.

Ang ganitong tahanan ay nagkakahalaga umano ng Php2 million kapa ipinagawa, at ang mga Hellok Kitty items/collections na nakapaloob dito ay umabot naman ang halaga sa mahigit Php200,000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *