Mamangha sa Agaw-Atensyon na Modern Pink House na ito na Nagkakahalaga ng Php2.2M

Kadalasan, makikita natin ang mga tahanan ngayon na mayroong neutral na kulay. Bibihira lamang ang mga tahanang mayroong matitingkad na kulay kaya naman gaya ng bahay na ito, talagang agaw-atensyon ito para sa mga taong nakakakita nito. Bagamat kakaiba ang kulay nito, maihahalintulad pa rin ang arkitektura ng bahay sa mga modernong tahanan na pangkaraniwang makikita ngayon.

Sa labas pa lamang ng bahay ay mapapansin na ang modernong istruktura nito. Bukod dito, talagang agaw-atensyon ang bungalow na ito dahil sa pink nitong kulay. Napalilibutan rin ito ng modernong mga ilaw.

Dagdag pa rito, mayroon ding sapat na espasyo ang property na maaaring ilaan para sa iba’t ibang bulaklak o kaya naman ay para sa mga gulay at prutas.

Matatanaw rin ang lahat ng ito mula sa porch ng bahay. Mayroon itong isang built-in na bench kung saan maaaring makapagpahinga ang sinumang maninirahan dito.

Malawak rin ang parteng ito ng bahay kaya naman bukod sa bench ay maaaring makapaglagay ng karagdagang mga upuan o mga halaman.

Pagdating naman sa loob ng tahanan, makikitang kaiba sa matingkad na kulay ng labas ng bahay, neutral lamang ang kulay sa loob nito. Dahil dito, talagang madali lamang ang magiging pagpaplano ng disenyo at mga dekorasyon nito. Dagdag pa rito, malawak ang espasyo para sa living at dining area.

Mistulang malawak rin ang espasyo sa kusina dahil sa L-shape na counters.

Sigurado rin na magiging komportable ang paghahanda ng pagkain dahil mapapansing malalaki ang bintana rito. Dahil dito, talagang maaliwalas at katamtaman lamang ang temperatura sa bahaging ito ng bahay. Mapapansin din na mayroon itong karagdagang pinto na nagagamit upang makapunta sa likurang bahagi ng bahay. Simple naman ang disenyo ng mga kwarto sa bahay na ito.

Malawak rin ang mga ito at talagang kasyang-kasya ang ilang miyembro ng pamilya. Katamtaman din ang sukat ng common comfort room.

Bagamat simple lamang ito, kumpleto naman ito sa mga kagamitan.

Simple man ang disenyo ng bahay na ito, konkreto at matitibay naman ang mga materyales na ginamit para dito. Gumamit din ng pintura at ilang salamin para sa mga bintana. Dahil dito, umabot sa PhP2.2 million ang halagang nagastos para maipatayo ang modernong tahanan na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *