Nang lumaganap ang COVID-19 pandemic ay marami sa atin ang naging ‘plantita’ at ‘plantito’ o naging libangan ang pagtatanim ng iba’t ibang mga halaman sa loob ng ating bakuran.
Maliban kasi sa nagbibigay kagandahan sa loob ng ating tahanan at bakuran ang mga halaman, base rin sa pag-aaral ay nakakatulong din ito para maiwasan natin ang makaramdam ng anxiety at tension, lalo na sa panahon na tayo ay dumaan sa krisis.
Photo credits: smartparenting.com.ph
Samantala, kung ang pag-uusapan ay ang pagtatanim ng mga halaman, isang pamilya ang hindi lamang naging libangan ang kanilang mga itinanim na halaman sa kanilang home garden, dahil sa huli ay napagtanto nila na maari rin nila itong pagkakitaan.
“Sa start talaga akala namin ‘yung gardening it’s for passion only—for hobby lang. Noong na-try naming na ibenta, nakita namin… Malaki pala ‘yung profit ng gardening lalo na kung seseryosohin ito.”
Photo credits: smartparenting.com.ph
Taong 2019 ng simula ng pamilya Fortaleza ang magtanim ng iba’t ibang mga gulat sa kanilang nakatiwangwang na lupa sa Samar. Ang hilig nila sa pagtatanim ay mas lalo pa nilang nabigyan ng pansin ng magsimula ang pagpapatupad ng quarantine sa bansa, dahil sa pandemya.
Photo credits: smartparenting.com.ph
Ang kanilang hilig nga sa pagtatanim, kalaunan ay naging negosyo na nilang pamilya, at ang kanilang garden ay tinawag nilang Forever Organic Garden.
Sa naging panayam ng Summit Media kay Mel Steven Fortaleza ay ibinahagi niya kung paano nila sinimulang pagkakitaan ang kanilang mga tanim.
“Noong first harvest naming, hindi kami nag-expect na marami palang produce ng vegetables, lalo na ‘yung lettuce and pechay”, aniya.
Dagdag pa niya, “Yung ginawa is binigay muna sa mga kamag-anak and friends. E hindi pa rin nauubos, so tinry naming ibenta.”
Photo credits: smartparenting.com.ph
Ayon kay Mel Steven nagsimula silang magbenta ng mga harvest nilang gulay dahil hindi nila ine-expect na sobrang dami pala ng maaani nila, at kahit na ipinamigay na nila ang iba nito sa mga kamag-anak at kaibigan ay hindi pa rin ito naubos kaya naisipan na nila itong ibenta kaysa masira.
Photo credits: smartparenting.com.ph
Pagbabahagi pa niya, mas lalo pang dumami ang kanilang mga customer ng maisip nila ang ‘pakulo’ na ‘lettuce picking’ na tulad ng picking strawberry sa Baguio at grape picking sa La Union.
“May timbangan naman doon, doon na lang din kami nag-pe-presyo,”, saad pa ni Mel.
Saad pa niya, mayroon din silang iba’t ibang klase ng dipping sauce sa garden nila, kaya naman habang nagha-harvest ang mga customer nila ay pwedeng-pwede na ring ma-enjoy ng mga ito ang kanilang na-harvest.
Photo credits: smartparenting.com.ph
Inihayag din ni Mel ang kanyang pasasalamat dahil sa panahon ng lockdown ay ang garden nila ang nakatulong sa kanila, dahil ito ang naging source of income nilang pamilya ng mga panahon na ‘yon.
“Buti na lang din may garden—blessing din ni Lord. Nakagawa kami ng garden last year, at least may kaunting pera pa rin na pumapasok”, ani pa ni Mel.
Photo credits: smartparenting.com.ph
Ibinahagi naman ni Mel na kada harvest nila sa kanilang garden ay nagagawa nilang kumita ng Php50,000, kaya naman talagang napakalaking blessing ito sa kanilang pamilya.