Isang OFW sa Saudi, Proud na ipinasilip ang Bahay na kanyang Naipatayo na Bunga ng Kanyang Pagsusumikap sa Pagtratrabaho sa Ibang Bansa

Totoong nakakabilib ang tagumpay na naaabot ng mga OFW matapos ang hirap at sakripisyong kanilang napagdaanan habang sila ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Dagdag pa rito, talagang sulit din ang ilang taong kanilang tiniis dahil ngayon ay mabibigyan na nila ng mas maayos na pamumuhay ang kanilang pamilya.

Para naman sa OFW na si Rowena Alday Lansang, talagang espesyal ang tahanang ito dahil naipundar niya ito matapos ang siyam na taong pagtatrabaho sa Saudi Arabia. Bagamat simple ay makikita ang panahon na ginugol ni Rowena sa pagpaplano at pagpapaganda ng bahay na katas ng kaniyang pagtatrabaho sa ibang bansa.

Photo credits: Rowena Alday Lansang | Facebook

Mapapansin agad sa bahay na ito ang napakalawak na outdoor area. Bukod sa perpektong lugar kung saan maaaring mag-alaga ng iba’t ibang halaman, pwedeng-pwede rin na makapaglaro ang mga bata dito dahil talagang magiging ligtas sila mula sa sikat ng araw.

Photo credits: Rowena Alday Lansang | Facebook

Photo credits: Rowena Alday Lansang | Facebook

Makikita rin ang ilang benches kung saan maaaring makapagpahinga ang sinuman.

Photo credits: Rowena Alday Lansang | Facebook

Photo credits: Rowena Alday Lansang | Facebook

Sa kabilang bahagi naman ng porch ay ang lugar na kanilang inilaan para sa kanilang mga pets. Talagang mainam ito lalo na at nagkaroon ng mas maayos at permanenteng pwesto ang kanilang mga alaga.

Photo credits: Rowena Alday Lansang | Facebook

Dagdag pa rito, maaari ding makapaglagay ang pamilya ni Rowena ng iba’t ibang sasakyan na mabibili nila sa hinaharap. Sa likurang bahagi naman ng bahay makikita ang laundry area. Mayroon ding maliit na dirty kitchen at kaunting espasyo para sa ilan pang bulaklak o gulay na nais itanim ng kanilang pamilya.

Photo credits: Rowena Alday Lansang | Facebook

Photo credits: Rowena Alday Lansang | Facebook

Photo credits: Rowena Alday Lansang | Facebook

Pagdating naman sa loob ng tahanan ay makikita ang kanilang living area na nagsisilbi rin bilang entertainment space dahil bukod sa pangkaraniwang mga kagamitan sa living room ay makikita din ang ilang musical instruments.

Photo credits: Rowena Alday Lansang | Facebook

Photo credits: Rowena Alday Lansang | Facebook

Photo credits: Rowena Alday Lansang | Facebook

Photo credits: Rowena Alday Lansang | Facebook

Photo credits: Rowena Alday Lansang | Facebook

Mula naman rito ay maaaring mapuntahan ang kusina kung saan makikita ang organisadong pagkakaayos ng kanilang mga kagamitan sa tulong ng ilang storage spaces at mga kabinet. Dagdag pa sa mga silid na ito, siniguro din ni Rowena na talagang pribado ang lokasyon ng kanilang sariling mga kwarto.

Photo credits: Rowena Alday Lansang | Facebook

Nakakabilib ang naipundar ni Rowena mula sa ilang taong pagtatrabaho sa ibang bansa. Bagamat iba-iba ang halagang nagagastos para sa mga bahay tulad nito, hindi bababa sa PhP1.8 million ang magagastos ng ibang nagnanais na magpatayo ng ganitong klaseng tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *