Isang OFW, Natupad ang Pangarap na Maiparenovate ang Kanyang Lumang Bahay na Ngayon ay Napakaganda ng 2-Storey House na may Napakagandang Disenyo

Lahat tayo ay mayroong kanya-kanyang pangarap na tahanan. Ang iba sa atin ay nais ang bungalow modern contemporary house, at mayroon naman na ang pangarap ay 2-storey modern house. Ngunit sa panahon ngayon ay tunay namang hind biro ang magpatayo ng sariling bahay, kaya naman ang ilan ay talagang inaabot ng taon o dekada bago pa man nila mabigyan ng katuparan ang pangarap nilang dream house para sa kanilang pamilya.

Samantala, sa kabila nito, tunay namang nakakatuwa at nagiging inspirasyon din para sa atin ang makita natin ang iba nating mga kababayan na sa maikling panahon ay nagagawang maipatayo ang kanilang dream house. Katulad na lamang ng isang OFW, na nabigyan ng katuparan ang kanyang dream house ng maisipan niyang ipa-renovate ang kanilang maliit na lumang bahay.

Sa halagang 2-milyong piso, ay natupad ng OFW ang pangarap niyang 2-storey home, kung saan mula nga sa dati nilang tahanan na napakaliit na lumang istilo, makikita ito ngayon na maliban sa pagkakaroon nito ng dalawang palapag, ay mayroon pa itong parking space para sa isang sasakyan, napaka-stylish na interior, modernong kusina at apat na silid tulugan na nasa ikalawang palapag.

Ang dream house na ito ng OFW ay nakatayo sa isang 43 sqm na lupain, at sa kabila ng hindi gaanong kalakihan ng lupa na kinatitirikan nito, maliban nga sa pagkakaroon nito ng apat na silid tulugan ay mayroon din itong dalawang bathroom at laundry area. Ang tahanan na ito ay dinesenyo umano ng ArchCube Design+Build, at dahil sa mga eksperto ang nag-disensyo ay tunay na napakaganda ng kinalabasan ng naturang tahanan.

Mapapansin naman na ang mismong tahanan ay modern boxy ang disenyo, at ito ay mayroong gate na doble bilang wall na din sa garahe nito. Pagdating naman sa interior ng naturang tahanan ay kamamanghaan ang stylish interior, lalo na ang kitchen area na mayroong mga built-in cabinets at ang living area naman nito ay mayroon din na mga floating cabinets na nagbigay ng kaaya-ayang dating dito.

Kamangha-mangha din ang mga ilaw sa iba’t ibang bahagi ng tahanang ito ng OFW.

Makikita rin sa tahanan na ito na sa ikalawang palapag nito ay mayroong maliit na altar, at narrow corridor na naghihiwalay sa bawat silid-tulugan.

Sa mga nagpa-plano naman na magpa-renovate ng kanilang tahanan, ay maari rin niyong tingnan ang disenyo ng tahanan na ito, kung saan ay maari kayong makakakuha ng ideya para sa inyong pangarap na tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *