Isang OFW, Iniwan ang Magandang Buhay sa Dubai Kapalit ng simpleng Buhay sa kanilang Farm sa Probinsya ng Quezon

Para sa ilang OFW, pangarap na nila ang mamuhay nang permanente sa ibang bansa ngunit may iilang Pilipino gaya ni Ivy Celemen na nais pa ring manirahan sa kaniyang kinagisnang bayan.

Photo credits: Buhay Probinsya| Smart Parenting| YT

Nagtatrabaho bilang isang financial manager sa Dubai si Ivy. Dahil sa kaniyang magandang trabaho, nanirahan siya at ang kaniyang pamilya ng sampung taon sa Dubai.

Photo credits: Buhay Probinsya| Smart Parenting| YT

Sa kasamaang palad, naapektuhan sila nang husto noong nagkaroon ng pandemya. Dagdag pa rito, nagkaroon din ng left focal epilepsy ang kaniyang anak dahil sa labis na paggamit ng gadgets. Dahil dito, nagdesisyon ang kanilang pamilya na iwan na lamang ang kanilang hanapbuhay sa ibang bansa at bumalik na lamang sa Pilipinas.

Photo credits: Buhay Probinsya| Smart Parenting| YT

Sa kanilang pagbalik sa bansa, iniwasan nilang manirahan sa syudad dahil sa limitadong mga aktibidad na maaaring gawin ng kanilang anak. Dahil dito, nagdesisyon silang manirahan sa Tiaong, Quezon Province. Ayon kay Ivy, di hamak na mas maluwag ang pamumuhay sa probinsya.

Photo credits: Buhay Probinsya| Smart Parenting| YT

Dito, mas malaya silang namamasyal at nakakapunta sa magagandang beach ng lugar. Sa kabutihang palad, nagustuhan din ng kanilang anak na si Yanie ang paglipat na ito dahil sa napakalawak na espasyo ng kanilang bagong tahanan. Dahil dito, mas lalo siyang naengganyo na sumubok ng iba’t ibang aktibidad.

Photo credits: Buhay Probinsya| Smart Parenting| YT

Bagamat makabubuti para sa kanilang pamilya ang paglipat na ito, isang malaking pagbabago rin ito pagdating sa kanilang kita. Dahil dito, siniguro nina Ivy na mayroon silang mapagkukunan ng kita kaya naman nagpasya silang mag-invest sa ilang condominium units, laundry business, water refilling station, at Bayad Center.

Photo credits: Buhay Probinsya| Smart Parenting| YT

Photo credits: Buhay Probinsya| Smart Parenting| YT

Photo credits: Buhay Probinsya| Smart Parenting| YT

Bukod dito, masasabing tamang-tama rin ang paglipat ng pamilya Celemen dahil mayroon silang lupang sakahan.Sa ngayon, plano nila itong gawing calamansi at rice farm.

Masasabing isa itong magandang negosyo upang kumita ang kanilang pamilya. Bukod sa may kaalaman si Ivy pagdating sa pera, nagkaroon din sila ng pagkakataon na humingi ng tulong mula sa gobyerno upang mapaganda ang farm na ito.

Photo credits: Buhay Probinsya| Smart Parenting| YT

Photo credits: Buhay Probinsya| Smart Parenting| YT

Dahil sa maayos na paglipat ng pamilya ni Ivy, nagbigay siya ng kaunting payo para sa mga kapwa niya OFW na nais na ring mamalagi sa bansa.

Ayon sa kaniya, importante ang maiging pagpaplano. Kung maaari, iwasan din ang mapanghinaan ng loob at higit sa lahat, pahalagahan ang kasiyahan ng iyong sarili at pamilya.

Photo credits: Buhay Probinsya| Smart Parenting| YT

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *