Isang Netizen, Ipinasilip ang Naipatayong Napakagandang 3-Storey House na mayroong Roof Deck na Naipatayo nila noong Kasagsagan ng Pandemya

Kung ang ilang mga indibidwal ay natigil sa kani-kanilang mga plano at proyekto noong nagsimula ang pandemya, iba naman ang kwento ni Jane Solasco at ang kaniyang pamilya. Ito ay dahil panahon ng pandemya nang magkaroon ang kanilang pamilya ng isang 3-storey house na mayroong napakagandang roof deck.

Photo credits: Jane Solasco | Facebook

Photo credits: Jane Solasco | Facebook

Photo credits: Jane Solasco | Facebook

Sa facade pa lamang ng bahay ay masasabing talagang napakaganda na nito. Makikita ang magandang landscaping ng mga bulaklak gayundin ang kakaibang tiles na ginamit dito.

Mayroon ding isang imahe ng santo na makikita sa parteng ito ng bahay kaya naman perpekto rin ito kung nais nilang magdasal o kaya naman ay mag-meditate. At dahil maaliwalas din dito, maaari ding mamalagi dito ang kanilang mga bisita o kaya naman ay ang kanilang mga anak sa tuwing nais nilang makapaglaro.

Photo credits: Jane Solasco | Facebook

Mula sa mga litrato, masasabing mukhang maliit lamang ang sukat ng bahay ngunit nakakabilib kung gaano kalawak ang bawat silid ng bahay. Gaya na lamang ng kusina at dining area kung saan kasyang-kasya ang anim na tao. Kakaiba rin ang paggamit ng kulay lavender para sa kanilang mga kabinet. Sa kabila nito, maganda pa rin ang naging resulta at talaga namang mukhang napaka-elegante ng buong silid.

Photo credits: Jane Solasco | Facebook

Photo credits: Jane Solasco | Facebook

Puno rin ng storage spaces ang dingding at bawat sulok ng kusina kaya naman talagang may sapat na espasyo para sa mga appliances at iba pang mga kagamitan. Dahil dito, talagang organisado ang kanilang tahanan. Bukod sa kusina at dining space ay talagang napakaganda rin ng kanilang living area. Punong-puno ito ng makukulay na mga mwebles, iba’t ibang halaman, at mga dekorasyon.

Photo credits: Jane Solasco | Facebook

Photo credits: Jane Solasco | Facebook

Pagdating naman sa hagdan at ikalawang palapag ng bahay, makikita ang puting kulay nito gayundin ang minimalist na tema. Mayroong ilang portraits, gayundin ang ilang indoor plants. Nakakadagdag naman sa pagiging elegante ng lugar ang salamin at maliit na mesa na kulay ginto. Pagdating naman sa roof deck, matatanaw ang napakagandang view ng kanilang lugar.

Photo credits: Jane Solasco | Facebook

Photo credits: Jane Solasco | Facebook

Photo credits: Jane Solasco | Facebook

Photo credits: Jane Solasco | Facebook

Photo credits: Jane Solasco | Facebook

Isa rin itong magandang lugar kung saan maaaring makapagbonding ang pamilya tuwing umaga o gabi. Bukod dito, talagang perpekto din ito bilang drying area ng pamilya.

Totoong kahanga-hanga ang naging resulta ng proyektong ito nina Jane. Lalo pa itong nakakabilib lalo na at nagawa nila ang lahat ng ito noong panahon ng pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *