Isang Estudyante sa Davao Hinangaan Matapos Makapagtanim at Makapamunga ng Mahigit 300 Puno ng Mansanas sa Kanyang Farm

Paborito ng marami sa atin ang mansanas, ito ay isang uri ng prutas na inakala natin na imposibleng maitanim sa ating bansa, dahil sa klima na mayroon tayo. Sa kabila nito, isang agriculture student ang nito lamang nakaraan ay pinahanga ang marami matapos niyang patunayan na ang mansanas ay maaring itanim at mamunga sa ating bansa, ito ay matapos niyang maparami ang mga tanim niyang puno ng mansanas sa mismong farm niya.

Ang agriculture student na ito ay kinilalang si Benzone Kennedy F. Sepe, na naninirahan sa isang lungsod sa Davao del Sur, kung saan ito ay ang Kapatagan, Digos City. Dahil sa malamig na klima sa kanilang lugar, ay naging posible para kay Benzone Kennedy ang makapagtanim at makapamunga ng mga puno ng mansanas, na mahirap na patubuin sa isang tropical country na tulad ng ating Pilipinas.

Nagsimula ang 30-taong gulang na agriculture student sa pagtatanim ng puno ng mansanas dahil sa kuryusidad niya, ito ay noon ngang siya ay nasa edad 23 pa lamang. Una siyang sumubok na magtanim ng tatlong pirasong buto nito, mula sa mansanas na kanyang kinain.

Photo credits: manila bulletin

Ayon sa ulat, ang unang ginawa ni Benzone Kennedy ay pinatubo niya muna ang mga buto nito sa seashell, at ng ito ay nasa 5-inches na ang taas, ay saka naman niya ito inilipat sa seedlings bags. Inilipat naman ng binata ang mga tanim niyang mansanas sa mismong kalupaan na ng kanyang farm matapos ang anim na buwan. Kahit naman lahat ng mga buto ng mansanas na kanyang itinanim ay nag-sprout, iisa lang naman ang tuluyang nabuhay sa mga ito at naging isang puno.

Photo credits: manila bulletin

Mas lalo namang naging determinado si Benzone Kennedy na makapagtanim at makapamunga ng mga puno ng mansanas ng minsang bumisita siya sa bansang Korea, kung saan dito ay napakaraming mga magazines patungkol sa pagtatnim at pagpapalago ng mga mangga ang kanyang nabasa na sa tingin niya ay posible ding magawa sa pagtatanim at pagpapalago ng puno ng mansanas. Dahil sa kanyang determinasyon, at sa isang puno na napalago niya sa kanyang bakuran, ay dito siya nagdesisyon na simulant ang pagsisiyasat pa lalo sa apple gardening.

Photo credits: manila bulletin

Hindi naman nagtagal ay namunga ang unang puno ng mansanas na itinanim ni Benzone Kennedy F. Sepe, kung saan buwan ng Setyembre taong 2018 ng una siyang makapag-harvest ng bunga ng apple tree na kanyang tanim. Saad niya, sa tuwing nagha-harvest siya ay nakakakuha siya ng nasa 30 hanggang 35 piraso na bunga ng mansanas sa mismong puno nito na itinanim niya.

Dahil sa tiyaga at pagsisiyasat na isinagawa ni Benzone Kennedy sa ngayon nga ay masaya niya ng nai-enjoy ang bunga ng kanyang pinaghirapan, sapagkat mula sa isang puno ng mansanas, sa kasalukuyan ay naparami na niya ito kung saan ay nasa 250 hanggang 300 na puno ng mansanas ang napalago niya sa tatlong magkakahiwalay na lupain.

Pagbabahagi niya, tunay na hindi madali ang magtanim at magpalago ng puno ng mansanas sa ating bansa dahil sa klima nga na mayroon tayo, ngunit ito ay posible dahil nagawa niya. Ayon pa sa kanya, ang isang puno ng mansanas ay namumunga pagkalipas ng lima hanggang pitong buwan.
Dagdag pa niya ng makapanayam siya ng Manila Bulletin,

“If you want to start growing apples from seed, you have to plants as many as you can, 100 or more apple seed if possible.”

Tulad naman ng ibang mga pananim, isa sa mga naging problema ni Benzone Kennedy sa kanyang lupain kung saan siya nagtanim ng mga puno ng mansanas ay ang mga peste, at para maiwasan niya na masalanta nito ang mga tanim niya ay gumamit siya ng Integrated Pest Management (IPM), kung saan ito ay ang pagamit ng mga homemade natural pesticides at follar spray.

Samantala, iba’t ibang mga variety naman ng mansanas ang tanim ni Benzone Kennedy Sese, tulad na lamang ng Fuji, Golden Dorsett, Starking Granny Smith, Gala, Redlove Odysso, Russet at iba pa. Maliban pa sa mansanas, ay may iba pa siyang mga tanim na prutas, kagaya ng pear, persimmon, peach, Hass avocado, orange, durian, grapes, strawberry, guava at maging mga ibang gulay.

Photo credits: manila bulletin

Photo credits: manila bulletin

Ang Kapatagan Apple Orchard Rare Fruit Farm and Nursery ay ang kauna-unahang ATI-certified Learning Site for Agriculture (LSA) sa ating bansa [Pilipinas] para sa produksyon ng mansanas. Sa halagang Php20 entrance fee bawat indibidwal ay maaari itong pasyalan ng mga mag-aaral o bisita na mayroong interes sa apple cultivation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *