Isang Binata, Nagpatayo ng Modern Bahay Kubo Upang Mayroon siyang Lugar na Uuwian Kapag Gusto niya Mag relax at mag Unwind

Minsan naghahanap tayo ng isang lugar na maari nating mapagpahingaan, maliban sa ating tahanan. Kaya naman ang iba sa atin ay nagpapagawa ng mga maliit na kubo sa loob ng ating bakuran o di kaya naman ay sa ating pagmamay-aring kabukiran para doon ay mayroon tayong maging pansamantalang pahingaan.

Kung isa sa ka naman sa mga nagpaplano na magpagawa ng maliit na kubo na may nakakarelaks na disenyo at maaliwalas na balkonahe, ay maaring ang hanap mong kubo ay ang kubo na ibibida natin ngayon. Maliban kasi sa napaka-relaxing nitong pagmasdan dahil sa pagiging native kubo nito ay mayroon din itong magandang disenyo at maaliwalas na balkonahe.

Photo credits: JM Domio | Facebook

Ang kubo na ito ay maliit lamang kumpara sa ibang mga native house na ating nakikita, ngunit tulad ng ilan ay gawa rin ito sa native materials. Ang maganda pa sa kubo na ito ay sa kabila ng pagiging maliit nito ay mayroon naman itong maaliwalas na balkonahe na magandang pag hang out-an.
Kahit naman maliit ang kubo na ito, ay kamangha-mangha na mayroon itong kumportable at napakagarang silid-tulugan.

Photo credits: JM Domio | Facebook

Photo credits: JM Domio | Facebook

Photo credits: JM Domio | Facebook

Samantala, makikita naman sa labas na bahagi ng kubo ang pagkakaroon nito ng kusina at banyo. Katulad din ng iba pa nating nakikita na mga native kubo, ang kubo na ito ay naka-elevated din sa lupa ng halos ilang talampakan at ang pundasyon na ginamit dito ay matitibay na kahoy bilang panigurado na magiging matibay ang naturang kubo.

Photo credits: JM Domio | Facebook

Mga kahoy na coco lumber at gemilina ang ginamit na materyales sa kubo na ito, samantala mapapansin naman na ang dingding nito ay amakan na mayroong bamboo slats. Mas naging napakaganda pang tingnan ng kubo dahil sa varnish, dahil pinatingkad nito ang bawat amakan at kahoy.

Upang maging stylish naman ang kubong ito, ang sahig nito ay kinabitan ng vinyl tiles at ang dingding nito sa loob ay dinikitan naman ng mga brick-like tiles kaya naman mas naging kaaya-aya pa ito. Makikita rin na sa loob ng maliit na silid na ito ay mayroong maliit at simpleng wood dresser.

Photo credits: JM Domio | Facebook

Hindi rin nahuli sa pagiging modern at stylish ang kitchen at bathroom ng kubo na ito na nasa bahaging labas, dahil maging ang mga ito ay mayroon ding stylish at modern design.

Photo credits: JM Domio | Facebook

Photo credits: JM Domio | Facebook

Ayon naman sa may-ari ng kubo darkened theme ang napili niyang tema para sa kanyang bedroom, dahil sa nakapagpapa elegante tingnan ang mga ganitong kulay. Ang ganitong uri naman umano ng kubo, ay aabutin ng halagang Php100,000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *