Dating Seaman Kumikita ng 6 Digit Matapos Pasukin ang Pagiging Stingless Bee Farmer, Unti unti narin niyang Naipapatayo ang Pangarap na Bahay

Kung minsan, talagang hindi nagtutugma ang ating mga kurso sa kolehiyo kumpara sa ating minamahal na propesyon at trabaho. Nakakabilib din kung paano sila nagtagumpay sa kanilang piniling trabaho. Ito rin ang kwento ng dating seaman na si Mac Bergonio.

Nakapagtapos sa kursong BS Marine Transportation si Mac noong 2005. Matapos nito, nagkaroon siya ng magandang karera bilang isang kapitan ng barko sa loob ng walong taon.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Sa kasamaang palad, nakaranas siya ng aksidente na nagdulot ng kaniyang pagkabingi sa isang tainga. Dahil dito, hindi na siya pinayagan pa na muling magtrabaho sa barko. Sa kabutihang palad, nagkaroon siya ng bagong libangan na unti-unti niyang minahal at ginawang kabuhayan.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Kwento ni Mac, abala ang kaniyang biyenan sa pag-aalaga ng mga itik sa kanilang farm sa Cavite na mas kilala sa tawag na Los Pepes Farm. Dahil dito, nagdesisyon ang kaniyang biyenan na turuan na lamang si Mac kung paano mag-alaga ng mga stingless bee.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Ibang-iba ang pag-aalaga ng mga ito kumpara sa mga pangkaraniwang farm animals. Mayroon din silang dalawang klase ng stingless bees sa farm na ito — ang Tetragonula biroi at ang Tetragonula sapien.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Photo credits: OG | Youtube Channel

Photo credits: OG | Youtube Channel

Photo credits: OG | Youtube Channel

Dahil dito, talagang tinuruan siya nang maigi ng kaniyang biyenan. Hindi nagtagal ay natutunan din niya ang tamang pag-aalaga sa mga ito. Dagdag pa rito, talagang nagustuhan din niya ang pag-aalaga sa mga ito.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Kinahiligan din niya ang paggawa ng mga beehive na mayroong iba’t ibang hugis gaya ng barko, bus, at iba pa. Bukod dito, talagang isang magandang atraksyon at negosyo ang Los Pepes Farm dahil bukod sa mga napakagandang beehive na ito, nagbebenta rin sila ng iba pang mga produkto gaya ng honey, pollen granules, lip balm, throat spray, massage oil, at ointment.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Lalo pang naging maayos ang negosyong ito nina Mac noong panahon ng pandemya kung saan napakaraming mga tao ang nais na maging mas malusog. Dahil dito, umaabot sa 6 digits ang kanilang nagiging kita. Hindi rin nagtagal ay nakapagpatayo na rin ng bahay ang pamilya nina Mac.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Photo credits: OG | Youtube Channel

Totoong hindi buwan-buwan ay ganito kalaki ang kita ng kanilang farm ngunit kahanga-hanga ang dedikasyon at pasensya ni Mac pagdating sa pagpapalago ng kanilang farm.

Stingless Bee Farming: How a Former Seaman Ended Up in His Backyard Selling Bee Products | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *