Dating OFW Iniwan ang Magandang Buhay sa Dubai Para Mamuhay ng Simple at Payapa sakanilang Bukid sa Probinsya ng Tiaong, Quezon

Makakaya mo bang iwanan ang iyong magandang trabaho at maayos na buhay sa ibang bansa, para manirahan sa isang probinsya sa Pilipinas? Katulad ng ginawa ng isang dating OFW na sa kabila ng paninirahan niya sa ibang bansa ng halos ilang taon at pagkakaroon na ng maayos na trabaho’t magandang buhay sa bansang Dubai, sa huli ay pinili pa rin niya at ng kanyang pamilya na magbalik sa Pilipinas at dito ay manirahan ng simple at payapa.

Si Ivy Celemen ay isang dating OFW sa bansang Dubai kung saan ay nagtatrabaho siya bilang financial manager sa isang investment company.

Photo credits: smartparenting.com.ph

Siya ay nanirahan sa nasabing bansa ng halos 10-taon na kung saan doon na rin sila bumuo ng pamilya ng kanyang napangasawa at doon na din nga isinilang ang kanilang anak.

Photo credits: smartparenting.com.ph

Sa kabila ng matagal ng paninirahan sa Dubai, noon ngang sumiklab ang pandemya sa iba’t ibang panig ng mundo, ay ito na umano ang panahon na napagdesisyunan na ni Ivy at kanyang mister na umuwi na lamang sa Pilipinas at dito ay mamuhay ng payapa sa probinsya.

Photo credits: smartparenting.com.ph

Ayon kay Ivy, napili nilang manirahan sa probinsya ng Tiaong, Quezon dahil noong panahon ng pandemya ay mas maluwag pa ang dito kumpara sa lungsod ng Maynila. Dahil sa nakita nina Ivy na maayos ang pamumuhay sa naturang probinsya dahil sa mas maluwag dito at mas nakakagawa silang magpamilya ng mga outdoor activities.

Photo credits: smartparenting.com.ph

Pagbabahagi pa niya, isa pa sa mga dahilan kung bakit sila nagdesisyon ng kanyang mister na umuwi na sa Pilipinas at piliin na lamang ang mamuhay sa probinsya ay ng may mangyari sa kanyang anak, kung saan ito ay na-detect na mayroong left focal epilepsy at ang naging sanhi umano nito ay ang labis na pag gamit ng gadget. Aminado naman si Ivy na noong nasa Dubai sila ay wala silang masyadong activities ng kanyang anak.

Photo credits: smartparenting.com.ph

Ngayong namumuhay na si Ivy at kanyang pamilya sa probinsya ng Tiaong sa Pilipinas ay mas may pokus na siya sa kanyang anak, at mas marami na din silang nagagawang physical activities kaya naman hindi na ito madalas na nakaharap sa gadgets.

Photo credits: smartparenting.com.ph

Ibinahagi rin ni Ivy na sa paninirahan nila ngayon sa Tiaong ay mayroon na din silang mga na-invest, katulad na lamang ng kanilang 1-hectare farm lot na plano nilang gawing Calamansi farm at ang isa naman nilang farm lot ay ang tinatrabaho umano ngayon ng kanyang mister kung saan ito ay taniman naman nila ng palay.

Photo credits: smartparenting.com.ph

Kuwento pa ng dating OFW, maliban sa kanilang farm lot na naipundar sa probinsya ay may iba pa silang mga negosyong naipundar, katulad na lamang ng kanilang condo unit, water refill station, apartment, at laundry shop. Pagbabahagi pa niya, bago sila umuwi ng Pilipinas at nagretiro ng kanyang mister sa pagiging OFW ay talagang nakaplano na kung ano ba ang magiging buhay na gugustuhin nila pagdating dito.

Photo credits: smartparenting.com.ph

Photo credits: smartparenting.com.ph

Nag-iwan naman si Ivy ng payo sa mga kapwa niya OFW na naiisip na ding magretiro at umuwi na sa sariling bayan, kung saan ay ibinahagi niya na mas mainam na batid nito kung ano ba talaga ang gusto niyang buhay pagdating niya sa bansa.

Photo credits: smartparenting.com.ph

Proud din na inilahad ni Ivy na dahil sa pandemya ay mas na-realize niya na ngayon ay hindi na payamanan kundi pasayahan na ng buhay, kaya mahalaga din talaga ang pagkakaroon ng mas maraming quality time sa pamilya at sa pagkakaroon ng isang masayang buhay.

OFW Leaves Dubai For A Simple Farm Life In Tiaong, Quezon | Buhay Probinsiya | Smart Parenting

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *