“Buhay Probinsya” Isang Ina, Ibinahagi Kung Paanong Mapapagkasya ang Halagang Php1k sa Isang Linggong Food Budget ng Pamilya sa Probinsya

Masasabi natin na napakahirap na ng buhay ngayon, ito ay dahil sa pataas na pataas na mga bilihin, lalo na sa mga pangunahing pangangailangan natin tulad ng mga sangkap sa ating kinakain. Minsan napapaisip ang ilan sa atin, kung paano ba mapapagkasya para sa pamilya ang kakarampot nating kinikita, dahil sa pataas na pataas na presyo ng bilihin ngayon.

Tunay din na napakahirap mag-budget, lalo na pagdating sa pagkain, dahil ang tanging nais naman ng marami sa atin ay ang maipakain natin sa ating pamilya ang masasarap na pagkain. Ngunit paano nga ba ang tamang pagba-budget lalo na pagdating sa pagkain ng pamilya?

Si Miriam Marino ay isang ina at nutritionist-dietician sa probinsya ng Bohol, at kamakailan lamang ay kanyang ibinahagi na sa kabila ng tumataas na mga bilihin ngayon, ay maari pa rin na mapagkasya ang halagang Php1000 para sa isang linggong food budget ng pamilya.

Photo credits: Buhay Probinsya | Smartparenting.com.ph

Ngunit paano nga ba mapapagkasya ang Php1000 pesos sa isang linggong food budget ng pamilya? Pagbabahagi ni Miriam, nakatulong sa kanya ang pagkakaroon ng sarili nilang garden sa loob ng kanilang bakuran, kung saan dito ay nagtanim sila ng iba’t ibang uri ng mga gulay. Dahil sa mga tanim nilang ito, ay hindi na nga nila kinakailangan pang bilhin ang ibang mga sangkap na gulay na kinakailangan nila para sa kanilang lulutuin.

Photo credits: Buhay Probinsya | Smartparenting.com.ph

Photo credits: Buhay Probinsya | Smartparenting.com.ph

Photo credits: Buhay Probinsya | Smartparenting.com.ph

Photo credits: Buhay Probinsya | Smartparenting.com.ph

Saad pa niya, isa sa mga ginawa niya para sa food budget nila ay ang pagawa ng menu para sa kanyang pamilya, kung saan sa bawat menu na kanyang inihanda ay mayroong moderation, variety at balance. Ibinahagi din niya na kapag namamalengke sila, ang binibili nila ay mga locally grown na prutas at gulay, dahil batid niya na mas fresh ang mga ito at mas less pa ang preservatives.

Photo credits: Buhay Probinsya | Smartparenting.com.ph

Photo credits: Buhay Probinsya | Smartparenting.com.ph

Maliban pa dito, ay nagawa pa nilang makatulong sa mga farmers at na-boost ang mga produkto ng mga ito.

Photo credits: Buhay Probinsya | Smartparenting.com.ph

Dahil sa pagkakaroon ng sariling taniman ng gulay sa loob ng kanilang bakuran ay nagagawa ng ani Miriam na pagkasyahin ang isang libo na budget sa isang linggo sa kanyang pamilya.

“Mostly pag budget naming sa pagkain talaga ay less lang ng one thousand o kaya one thousand.”

“Like bumibili na kami ng worth four hundred o three hundred pesos na isda. Good for one week kasi tatlo lang naman kami.”

“Tapo ‘yung prutas siguro mga three hundred o four hundred din. Tapos less na lang ‘yung gulay kasi meron kaming gulayan sa bakuran”, saad ni Miriam.

Bilang isa ding nutritionist-dietician, ay sinisigurado ni Miriam na sa bawat menu na ginawa niya ay masusustanysang pagkain ang inihahain niya sa kanyang pamilya at well-balance ito, dahil mayroong ulam, gulay at prutas. Tunay ngang mas masarap na mabuhay sa probinsya.

Simpleng Buhay: Paano Pagkasyahin Ang P1000 Weekly Food Budget | Buhay Probinsiya | Smart Parenting

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *