Bahay ng Isang Pamilya na Naka Rough Finish lang Hinangaan dahil sa Ganda ng Disenyo Magmula sa Labas Hanggang sa Loob

Marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng maganda, kumportable at malaking bahay, ngunit maliban pa dito, may ilan din na pangarap ang magkaroon ng swimming pool katabi ng kanilang bahay, lalo na sa mga mahilig na mamasyal sa mga resort at magtampisaw sa swimming pool.

Kung bahay na may swimming pool ang pag-uusapan, nito lamang nakaraan ay may isang bahay na tunay na nagbigay inspirasyon sa maraming mga home owner at nangangarap na magkaroon ng sarili nilang tahanan, dahil bukod sa istilo nito na starter home kung saan ay maaring i-upgrade o extend anumang oras basta’t may budget, ay mayroon rin itong swimming pool na nasa tabi lamang nito na talaga namang i-enjoyin ng pamilya na nakatira rito.

Ang bahay na ito ay mayroon maliit na porch at entrance, may malawak na living room na mayroong mga nagagandahan at mamahaling cleopatra style sofa set. Kaanya-anyaya rin ang kitchen area nito, na may modernong disenyo.

Kapansin-pansin naman sa bahay na ito, ang bubong nito na kung saan ang concrete portion lang ang binubungan. Tila naman ang ganitong disenyo ng bubong ay pang-temporary lamang para sa isang ganitong bahay na sa hinaharap ay lalagyan pa ng extension o ikalawang palapag.

Samantala, kung titignan ang bahay na ito ay tila nga napaka-simple lamang nito, dahil sa walang pintura ang mga walls o dingding, ngunit pagpasok naman sa buong kabahayan ay bubungad ang fancy interior.

Ang mas nakakabilib pa at kahanga-hanga sa bahay na ito ay ang pagkakaroon nito ng outdoor swimming pool, kung saan nasa tabi lamang nito, dahil pagbukas ng isa sa mga sliding door dito ay swimming pool na at maari ng magtampisaw at mag-swimming anytime.

Makikita rin na ang bahay na ito ay mayroong mataas na ceiling na nagpa-aliwalas dito, at malalaking sliding window kung saan pumapasok ang sariwang hangin.

Sa kabila naman ng walang pintura ang dingding nito, ay naka-fully finished naman ito, kaya naman maayos at maganda pa ring tignan.

Naging kaaya-aya din sa mata ang mga dekorasyon sa loob ng bahay, lalo na ang fancy pink cleopatra at ang napakaraming mga plush carpet na nasa iba’t ibang bahagi nito.

Ang kitchen ng bahay na ito ay naging moderno naman tingnan dahil sa pagkakaroon nito ng ng bar counter.

Sa mga nagnanais at nagpaplano naman magpagawa ng bahay, kung tinatanong niyo kung magkano ang halaga ng ganitong bahay na may swimming pool, ayon sa ulat ay umabot sa 1.4 milyon pesos ang kabuuang halaga ng bahay na ito kasama na ang pool.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *