Totoong ang ating sariling espasyo ang naituturing natin bilang santuwaryo. Dito tayo nakakapagpahinga matapos ang buong araw na pagtatrabaho o pag-aaral.
Kung minsan, dito rin komportableng nakakapag-aral ang mga estudyante.
Dahil dito, ninais rin ng civil engineering fresh graduate na si Sonder Evennys Agustin na magkaroon ng komportable at magandang kwarto sa kanilang sariling tahanan.
Photo credits: Sonder Evennys Layugan Agustin| FB
Bago pa man matapos ang makeover na ito, masasabing talagang napakasimple ng kwarto ni Sonder sa kanilang family home sa Iloilo.
Makikitang walang pintura o anumang dekorasyon ang dingding ng kwarto. Mayroon din itong isang simpleng kama na gawa sa kahoy at ito nga ang nag-iisang mwebles na makikita sa kwartong ito.
Dahil sa kalagayan ng kaniyang kwarto, matagal nang naisip ni Sonder na pagandahin ito.
Photo credits: Sonder Evennys Layugan Agustin| FB
Dito na nga siya nagsimulang mag-ipon para sa proyektong ito. Sa tulong ng kaniyang paggawa ng mga commissioned na trabaho sa loob ng anim na taon, unti-unti rin siyang nakapag-ipon.
At nang magsimula ang pandemya, nagdesisyon siyang simulan na ang proyektong ito upang patuloy rin siyang maging produktibo.
Photo credits: Sonder Evennys Layugan Agustin| FB
Sa tulong naman ng kaniyang mga kaibigan, una silang naglagay ng kisame at tiles.
Pininturahan din nila ang dingding ng blue-gray na kulay. Sa kabilang bahagi ng dingding, mayroong painting ng kabundukan habang sa kabila naman ay ang mural ng kilalang The Great Wave Off Kanagawa.
Talagang nakadagdag ito sa kagandahan ng kwarto.
Photo credits: Sonder Evennys Layugan Agustin| FB
Matapos nito, naglaan din sila ng espasyo sa floating book shelves para sa mga libro at iba pang kagamitan ni Sonder.
Mula naman sa simpleng kama noon ni Sonder, isang floating bed rin ang ginawa ng magkakaibigan.
Dagdag pa rito, mayroon ding floating table sa kwarto na ito kung saan maaari siyang makapag-aral.
Photo credits: Sonder Evennys Layugan Agustin| FB
Ayon kay Sonder, PhP80,000 ang kaniyang nagastos sa loob ng 30 na araw na pagpapaganda ng kaniyang kwarto.
Totoong may kalakihan ang halaga na kaniyang nagastos ngunit ayon kay Sonder ay masayang-masaya siya sa naging resulta ng proyektong ito.
Dagdag pa niya, “This is not just a room nor a renovation. This is a tale for a lifetime.”
Talagang malaki ang naging pagbabago ng kwarto ni Sonder. Ngayon, komportable na siyang makakapagpahinga at makakapag-aral sa kaniyang Japanese-inspired na kwarto.