Tunghayan ang Nakaka-Inspire na Kwento ng OFW na Nakabili ng Sariling Townhouse Matapos ang Ilang Taong Pagtatrabaho sa Ibang Bansa

Kadalasan, ang ating mga hindi magagandang karanasan sa buhay ang isa sa mga nag-uudyok sa atin upang magsumikap at umangat sa buhay. Ito rin ang naging kwento ng OFW na si Laurence Calledo.

Kwento ni Laurence, dalawang taong gulang pa lamang siya noon nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Dahil dito, naranasan niyang magpalipat-lipat ng tirahan hanggang sa kunin siya ng ilang kamag-anak sa Leyte.

Dito, inaruga siya at pinag-aral ng kaniyang mga kapamilya hanggang sa siya ay makapagtapos sa kolehiyo. Sa murang edad pa lamang ay alam na ni Laurence ang pakiramdam ng walang permanenteng tahanan kaya naman nagkaroon siya ng pangarap na magkaroon ng kaniyang sariling bahay bago siya tumuntong sa edad na 30 taong gulang. Dahil dito, nagpursige siya ng ilang taon sa kaniyang pagtatrabaho sa Japan.

Photo credits: Laurence Calledo | Youtube

Hindi nagtagal ay natupad din ni Laurence ang kaniyang pangarap. Taong 2019 nang sinimulan niyang ibahagi sa kaniyang YouTube channel kung paano niya nakuha ang kaniyang inaasam na bahay. Ayon sa kaniya, kumuha siya ng isang real estate agent mula sa Cebu upang tumulong sa kaniya sa paghahanap ng isang property.

Dagdag pa niya, pinili niyang magkaroon ng sariling bahay sa ganitong paraan dahil limitado lamang ang kaniyang kaalaman sa pagpapatayo ng bahay.

Kalaunan, nakakuha siya ng isang two-storey townhouse na may sukat na 555 sqm. Dahil sa laki ng property na ito, nagkakahalaga ito ng PhP2,375,000. Patuloy niya rin itong pinapaganda at inihahanda ngayon para sa kaniyang mas komportableng paninirahan dito.

Photo credits: Laurence Calledo | Youtube

Photo credits: Laurence Calledo | Youtube

Photo credits: Laurence Calledo | Youtube

Photo credits: Laurence Calledo | Youtube

Photo credits: Laurence Calledo | Youtube

Photo credits: Laurence Calledo | Youtube

Talagang nakakabilib at nakaka-inspire ang kwentong ito ni Laurence. Ginamit niya ang kaniyang mga karanasan noon upang magpursige sa kaniyang trabaho at mabigyan ang kaniyang sarili ng komportableng pamumuhay ngayon.

Dahil dito, nagbigay siya ng isang mensahe sa kaniyang mga kapwa OFW. Ayon sa kaniya, kung mayroon tayong pangarap sa buhay, kailangang gumawa tayo ng maliliit na hakbang upang makamit ito.

Sa ngayon ay libo-libo na ang nakapanuod ng vlog na ito ni Laurence. Marami din ang naantig sa kaniyang kwento at ang ilan nga sa mga netizens ay binati rin si Laurence sa kaniyang tagumpay.

Bukod dito, mas marami din siyang na-inspire na mga taong gaya niya na nanggaling din sa hirap.

Katas Ng Pagiging OFW Sa Japan | PANGARAP Kung Bahay | Part 1 | Laurence Calledo | Vlog#07 |

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *