Isang Single Mom, Pinagbigyan ang Request ng mga Anak na Bilhan sila ng Bagong Cellphone Ngunit sa Isang Kondisyon, Kailangan nila itong Hulog-hulugan

Ang henerasyon ngayon ng mga kabataan ay mas tutuk na sa mga gadget kaysa ang maglaro sa labas. Mas madalas gugustuhin ng mga kabataan na manatili sa loob ng kanilang tahanan upang mag celphone lang.

Hindi katulad noong unang panahon na ang mga kabataan ay madalas makikita mo sa labas naglalaro ng ibat-ibang larong pinoy kagaya ng mga tagu taguan, tumbang preso at marami pang iba.

Dahil sa malaking pagbabago na ito sa henerasyon ng mga kabataan, wala din magawa ang mga magulang kundi pagbigyan ang mga ito dahil kahit papaano ay madami din namang magandang naidudulot ang gadgets sa mga kabataan basta wag lang abusuhin at sa tama dapat gamitin kagaya nalang ng panonood ng mga palabas na madaming matututunan at mas madali din mahahanap ng mga kabataan ang kanilang mga kailangan sa internet para sa kanilang pag-aaral.

Isang magulang ang nagviral sa social media dahil sa kakaiba nitong diskarte.

Photo  credits: Michelle Mangahas | Facebook

Si Michelle Mangahas isang single mom na may tatlong anak. Ayon kay Michelle dati ng may kanya kanyang gadget ang kanyang tatlong anak pero ang kanyang 14 at 11 years old na anak ay nagrequest umano ng bagong cellphone na mas maganda at mas mataas ang specs kaysa sa luma.

Photo  credits: Michelle Mangahas | Facebook

Para sa ina, wala talaga siyang balak na bilhan ito ng mga bagong telepono dahil gumagana pa naman ang mga luma nitong gamit, ngunit kalaunan ay nakumbinse siya ng kanyang anak pero mayroon siyang isang kondisyon na talagang ikinagulat ng kanyang dalawang anak.

Ayon kay Mommy Michelle bibilhan nya ng bago ang mga ito ngunit gamit ang kanilang naipon na pera at ang kulang ay dapat daw nila itong bayaran at hulughulugan galing sa ibinibigay niyang baon sa mga ito. Si Mommy Michelle ay isang negosyante at gusto lang daw nito na matuto ang kanyang mga anak na maging responsable at masinop sa pera at gusto niya lang na matutonan ng mga ito na hindi madali ang kumita ng pera.

Binilhan ni Mommy Michelle ang dalawa ng tig 10 libong celphone at hindi naman siya naging mahigpit sa bagsingil sa mga anak, ngunit napansin niya na ang kanyang pangalawang anak na si Mika ang nangunguna sa pagbabayad sa kulang nito sa celphone.

Photo  credits: Michelle Mangahas | Facebook

Depensa naman ng kanyang panganay na kunti lang ang naihuhulog niya sa kanyang mommy dahil kaunti lang din ang natitira sakanya allowance dahil mas malakas umano ito kumain sa kanyang nakababatang kapatid na si Mika.

Photo  credits: Michelle Mangahas | Facebook

Para sa ibang ina na hindi maganda ang ginawa ni Mommy Michelle ngunit para sakanya isang magandang paraan ito para matutunan ng mga anak niya ang tamang paghawak ng pera. Hindi din naman daw maganda na ibigay agad ang gusto ng mga anak pag humiling ito pero ayos lang din kung paghihirapan naman nila ito bago mapasakanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *