Silipin ang Two-Storey House na ito na Gawa sa Kahoy na may Napaka Gandang Disenyo sa Loob at Labas

Karamihan sa mga disenyo ng mga tahanan ngayon ay gawa sa konkretong mga materyales. Kakaunti na lamang ang nagpapatayo ng tahanan na gawa sa kahoy. Bukod nga naman sa mas matibay ito na kayang tumagal sa klima ng ating bansa, maganda rin ang arkitektura ng mga konkretong tahanan.

Ngunit unti-unti na ngayong bumabalik ang disenyo ng mga tahanan na gawa sa kahoy. Bukod sa kakaibang disenyo nito, maaliwalas at masasabing talagang napaka-presko rin ang paninirahan sa mga bahay na gawa sa kahoy.

Isa sa mga pinakamagandang tahanan na gawa sa kahoy ay ang bahay na ito. Mapapansin na mistulang kumuha ito ng inspirasyon mula sa mga tradisyunal na bahay kubo dahil nakaangat ito sa lupa.

Ang espasyo sa ibabang bahagi ng bahay na ito ay ginagamit bilang parking space ng kanilang sasakyan samantalang ang maliit na silid naman ay ginagamit bilang isang storage space para sa iba’t ibang kagamitan ng pamilya.

Mula sa unang palapag ng bahay, maaaring makapunta sa ikalawang palapag gamit ang isang hagdan na gawa rin sa kahoy. Sa ikalawang palapag na ito makikita ang karamihang silid ng bahay. Makikita dito ang nag-iisang bedroom ng bahay. Mula sa malalaking bintana nito, matatanaw ang napakagandang view ng lugar.

Kung mas gusto naman ng bibisita rito na makita ang nakapaligid na tanawin, maaari siyang makapag-relax sa balcony ng ikalawang palapag.

Hindi mawawala ang palikuran dito. Dahil sa brick walls nito, talagang mukhang nasa isang resort ang maninirahan dito lalo na at napalilibutan ng magagandang mga halaman ang bahay na ito.

Bukod sa kagandahan ng disenyo at arkitektura ng bahay na ito, hindi rin magpapahuli ang katibayan ng bahay na ito. Gawa sa kahoy ang mga haligi at pundasyon ng bahay na ito ngunit upang mas maging matibay ang istruktura nito, mapapansin ang ginamit na konkretong materyales sa unang palapag ng bahay.

Dahil makikita rin sa ikalawang palapag ang karamihang silid ng bahay, nakasisiguro din ang maninirahan dito na magiging ligtas siya sa iba’t ibang sakuna gaya ng mga pagbaha.

Talaga nga namang mukhang simple ngunit napakaganda ng tahanan na ito. Bagay na bagay ito bilang bahay-pahingahan ng mga pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *