Silipin ang Napakagandang Staycation Resort na ito sa San Rafael, Bulacan na may Nakakarelax na Vibes ng Kapaligiran at Swak na swak sa Pamilya at Magbabarakada

Sa isang Eksklusibong video na ipinalabas ng Only Good Content (OG) sa kanilang youtube channel, ipinasyal nila ang kanilang mga tagasubaybay sa napakagandang staycation resort na ito sa Bulacan na may napakagandang kapaligiran at mga istruktura na swak na swak sa pamilya.

Ang Thai Cons Club ang isa sa mga bagong destinasyon ngayon sa Bulacan. Ito ay may sukat na 2 hectares at sa kasalukuyan ay mayroon itong dalawang villas na maaaring magamit nang eksklusibo ng kanilang mga guests.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Mula naman ang pangalan ng resort na ito sa halamang Thai Constellation Monstera at talaga namang bagay na bagay ang pangalang ito sa tema at konsepto ng resort dahil bukod sa kanilang mga pribadong villa, perpekto rin ito para sa mga nature lovers.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Malawak rin ito kaya naman talagang welcome na welcome dito ang mga pamilya at magbabarkada na gustong magrelax o di naman kaya ay magcelebrate ng mga importanteng okasyon sa kanilang buhay kagaya ng birthday, anniversary, pwede ding wedding venue.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

May dalawang Villa ang resort na ito kung saan ipinakita ang villa 1 at villa 2.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Sa unang villa na may sukat na 225 sqm., makikita ang isang hiwalay na entertainment room kung saan maaaring mag-enjoy ang kanilang guests sa karaoke station o kaya naman ay manuod ng mga pelikula.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Mula sa entertainment room ay makikita agad ang pool na swak sa buong pamilya lalong-lalo na sa mga tsikiting dahil may lalim lamang itong 2 hanggang 5 feet.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Maaari din namang makapagrelax ang mga guests sa jacuzzi ng villa. Kung nais naman ng guests na magsalo-salo, maaari nila itong gawin sa outdoor dining area. Kalapit ito ng grilling area kaya naman perpekto ito kung nais nilang magluto ng kanilang paboritong barbeque.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Kapansin-pansin naman ang kakaibang arkitektura at hugis ng mismong villa. Sa loob nito, kumpleto naman ang mga silid at iba pang pangangailangan ng mga guests.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Mayroon ditong common areas, kusina, at dining area na kumpleto rin sa mga appliances at kagamitan gaya ng refrigerator at utensils.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Hindi rin mawawala ang toilet at bathroom na talaga namang maaaring maihalintulad sa mga hotel.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Napakalawak rin ng loft bedroom ng mga villa rito kaya naman talagang magiging komportable ang mga pamilya at magbabarkadang bibisita rito.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Bagamat halos pareho lamang ang mga features ng pangalawang villa, 320 sqm. ang sukat nito. Talagang mas malaki ang espasyo nito kaya naman kasyang-kasya rito ang 40 na tao. Upang mas maging sulit ang pagbisita ng kanilang mga guests, plano rin nilang magtayo ng isang bar, restaurant, gym, spa, at basketball court dito.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Nagkakahalaga ng PhP12,000 hanggang PhP13,000 per night ang Villa 1 samantalang PhP14,000 hanggang PhP15,000 per night naman ang Villa 2. Maaari ding bisitahin ng mga interesadong bumisita sa Thai Cons Club ang kanilang Facebook page.

Panoorin dito ang eksklusibong tour ng OG sa napakagandang resort na ito.

This Friendly Resort Is Ready to Host Your Next Staycation to Remember | Amazing Staycations

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *