Silipin ang Napakaganda at Nakaka goodvibes na Loft-Style Tiny House na Ito na Perpekto para sa mga Nature Lovers

Para sa mga taong nais na mag-isang mamuhay at manirahan, swak na swak sa kanila ang sikat na sikat na mga tiny homes ngayon. Lalo ring magiging perpekto ang mga ito para sa mga nature lovers kung mayroon itong isang maliit na garden at pool.

Photo credits: besthousedesign.net

Ganito ang disenyo ng loft-style tiny house na ito. Makikitang gawa ito sa pinaghalong konkretong materyales at kahoy. Sa labas ng tiny home ay ang isang simpleng porch kung saan maaaring makapagrelax ang taong maninirahan dito.

Photo credits: besthousedesign.net

Photo credits: besthousedesign.net

Pagpasok naman sa loob ng tahanan, natural na tema ang mapapansin dito dahil sa puting kulay ng mga dingding at muwebles. Kahoy naman ang napiling materyales para sa flooring at hagdan ng tiny home.

Photo credits: besthousedesign.net

Bagamat napakaliit ng sukat ng bahay na ito, makikitang kumpleto pa rin ang mga silid at kagamitan dito. Pagpasok pa lamang sa tiny home ay sasalubong agad ang isang maliit ngunit komportableng living area.

\

Photo credits: besthousedesign.net

Photo credits: besthousedesign.net

Photo credits: besthousedesign.net

Sinundan naman ito ng dining area kaya naman maaari ding magkaroon ng maraming bisita ang may-ari ng tahanang ito. Sa kabilang banda naman ay ang open kitchen. Bawat sulok sa parte ng bahay na ito ay talagang ginamit nang mabuti bilang storage space.

Photo credits: besthousedesign.net

Photo credits: besthousedesign.net

Photo credits: besthousedesign.net

Mapapansin din na malawak at komportable ang espasyong ito para sa paghahanda ng pagkain. Maging sa parteng ito rin ay mayroong inilaan na espasyo para sa mga halaman na nagsisilbi rin bilang dekorasyon.

Photo credits: besthousedesign.net

Mula rito, maaari ding masilip ang palikuran. Gaya ng ibang parte ng tiny home, simple, natural, ngunit elegante ang dating ng silid na ito. Kumpara sa mga pangkaraniwang tiny home, malawak ang palikuran na ito at kumpleto rin sa kagamitan.

Photo credits: besthousedesign.net

Sa ikalawang palapag naman ng tiny home makikita ang loft bed. Mayroon itong sapat na bintana at mga ilaw upang maging komportable ang maninirahan dito. Bagamat maaaring magkasya rito ang isang double bed, mayroon pang sapat na espasyo na maaaring gawing storage space o kaya naman ay simpleng opisina.

Photo credits: besthousedesign.net

Bukod sa natural na tema at magagandang disenyo at dekorasyon sa loob ng tiny home, mapapansin din ang pagiging maaliwalas ng lugar dahil sa sapat na mga ilaw na nakapalibot dito. Dagdag pa rito, maaliwalas rin ang kapaligiran ng tiny home dahil sa maliit na garden at pool nito.

Kung susumahin, maaaring umabot sa Php1.5 million ang gagastusin para sa pagpapatayo ng parehong tiny home.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *