Silipin ang Minimalist Bungalow Grey House na may Malawak na Veranda at Nagkakahalaga ng PhP1.2 Million

Napakaraming mga bahay ngayon ang mayroong minimalist na tema. Kung minsan ay nakakagulat rin ang mga ito dahil maaaring simple lamang ang panlabas na itsura nito ngunit talagang napakaganda naman sa loob.

Bukod din sa malinis nitong itsura, nabibigyan din ng pagkakataon ang mga designer o ang mga may-ari nito na magkaroon ng maraming pagpipilian pagdating sa mga posibleng disenyo o dekorasyon.

Gaya ng nabanggit, simple man kung titingnan ang bahay na ito, maituturing itong isang “blank canvas” na maaaring baguhin o pagandahin pa ng mga maninirahan dito. Sa labas ng bahay ay mayroong isang napakalawak na porch. Maaari itong lagyan ng ilang upuan at mesa upang maging pahingahan ng mga may-ari at ng kanilang mga bisita.

Marami ring mga aktibidad ang maaaring gawin dito ng buong pamilya. Dagdag pa rito, isa rin itong perpektong lugar upang paglagyan ng mga magagandang mga palamuti o bulaklak.

Pagpasok naman sa bahay, mapapansin na kulay puti ang tema ng mga dingding at sahig. Sa ngayon ay mayroong monochromatic na kulay ang mga dekorasyon at mwebles.

Kulay itim ang sofa at ang ilang mga upuan samantalang gawa naman sa kahoy ang mga kabinet ngunit perpekto pa rin ang kulay ng bahay sa kahit anong tema o dekorasyong pipiliin ng mga may-ari.

Gaya rin ng kasalukuyang dekorasyon, maaaring maglagay ng iba’t ibang uri ng halaman sa loob ng bahay na babagay sa kabuuang tema nito. Maaaring pumili ng mga simpleng halaman at maaari din namang maglagay ng mga makukulay na bulaklak. Sa loob naman ng kwarto ay mapapansin pa rin ang kulay puti at itim na tema.

Narito din ang mga mwebles at kabinet na gawa pa rin sa kahoy. Malawak ang silid na ito kaya naman maaari pang dagdagan ng ilang mga dekorasyon o kaya naman ay storage space para sa mga kagamitan ng buong pamilya.

Bagamat simple lamang ang bahay na ito, mapapansin naman ang mga modernong aspeto sa iba’t ibang bahagi ng disenyo ng bahay gaya na lamang ng sliding glass windows at doors dito.

Dagdag pa sa magandang disenyo, nakasisigurong matibay din ito dahil gawa ito sa mga konkretong materyales at bakal kaya naman kung nais niyo ring magpatayo ng parehong bahay, kinakailangang maghanda ng halos PhP1.2 million para dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *