Silipin ang Cute Tiny House na ito, na Maaring gawing Tambayan, Playhouse ng mga Bata, Guest House o kaya naman Tirahan para sa mga Nagsisimula na Pamilya

Ang pagpapatayo ng maliit na bahay ay maaring hindi praktikal lalo na sa malaking pamilya, pero kung mejo limitado naman ang budget ay pwede isaalang-alang ang maliit na bahay para maging panimula lang at masasabing sariling tirahan kung saan komportable na matitirhan at walang iniisip na buwanang babayaran sa renta o kaya naman hindi kailangan makisama dahil nakikitira lang.

Isa sa nagviral sa social media ay ang tiny house na ito na may napakagandang disenyo. Halos lahat ng materyales na ginamit dito ay kahot, samantala ang tungtungan naman ay konkreto upang magbigay ng mas matibay na pundasyon sa maliit ngunit napakagandang bahay na ito.

Nakaangat naman ang tiny house na ito sa lupa na nakuha ang konsepto sa mga sinaunang disenyo ng bahay noon sa Ibat-ibang panig ng Pilipinas. Pwedeng pwede naman ito maging playroom ng inyong mga anak o di naman kaya guest room. Pwede din naman maging bahay basta lalagyan niyo lang sa ibaba nito ng outdoor kitchen at bathroom.

Kapansin pansin naman ang malawak na espasyo ng balkonahe nito na magandang tambayan ng pamilya, magkakaibigan o di naman kaya latagan ng banig o magsabit ng duyan kapag tanghali at dito matulog habang ninanamnam ang sariwa at preskong simuy ng hangin.

Kapansin pansin naman ang letrang “X” na disenyo ng mga rehas na nagsisilbing harang sa balkonahe, ngunit maging maingat pa din dahil maaring makalusot dito ang mga bata at pwedeng mahulog.

Kapansinpansin din ang old school na bintana nito dahil mas nagbigay ito ng magandang kombinasyon at itsura sa bahay na ito. Sa larawang ito makikita na playroom ito ng bata, ngunit maari din ninyong gayahin kung gusto nyo gumawa ng maliit lang na bahay na pwede ninyong tirhan kung kayo ay nagsisimula pa lang na pamilya.

Pagpasok naman sa loob ay talagang hahanga ka sa magandang pagkakadisenyo ng kwarto, kung saan may maliit na kama dito, isang lamesa at upuan na pwedeng gawing study table ng mga bata, may mga wall mounted na mga istante na pinaglalagyan ng libro. Sa ilalim naman ng kama ay may mga storage box kung saan maaring lagayan ng laruan o di naman kaya mga damit.

May ceiling fan naman ito kung saan nagbibigay ng preskong hangin, maliban sa ceiling fan ay napapalibutan din ito ng mga bintana na nagbibigay ng natural na ilaw sa umaga at preskong hangin.

Ayon naman sa pamilya na nagpagawa nito ay aabot sa Php100,00 ang pagpapagawa ng ganitong klase ng maliit na bahay.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *