Sa Halagang Php120k, Mag-asawa Na-Iparenovate ang Kwartong Kanilang Tinutuluyan sa Bahay ng Kanilang mga Magulang kung saan Mas Nagkaroon Sila ng Privacy kahit Kasama ang Kanilang Tatlong Anak

Sa panahon ngayon tila karaniwan na sa mag-asawa ang manirahan muna sa kanilang in-laws matapos ang kasal, ito ay habang sila nga ay nag-iipon pa para maipatayo ang kanilang pangarap na tahanan para sa kanilang binuong pamilya.

Hindi rin maikakaila na maraming mga magulang na kahit nag-asawa na ang kanilang mga anak ay nais pa rin ng mga ito na huwag itong mawalay sa kanila, lalo na kung sila ay may mga apo na rito dahil sa ang kanila ngang mga apo ang nagbibigay kasiyahan sa kanila.

Ganito nga ang buhay ni Mommy Rachel Angela Galsim-Paronable, kung sana kahit na siya ay mayroon na ngang asawa at mga anak ay nasa poder pa rin siya ng kaniyang mga magulang dahil din sa kagustuhan ng mga ito. Pero paglalahad niya, pangarap din nila ng kanyang asawa na makapagpundar ng sarili nilang tahanan sa hinaharap, kapag sila nga ay may sapat na ipon na.

“Yes, we are still living in my parent’s house, ayaw nila kaming paalisin dahil daw hindi nila kayang mawalay sa mga apo nila. Pero of course , we also want to have our own home in the future, not now but soon”, saad ni Mommy Rachel sa naging panayam sa kanya ng SmartParenting.com.ph.

Photo credits: Dr. Rachel Angela Galsim-Paronable | Facebook 

Photo credits: Dr. Rachel Angela Galsim-Paronable | Facebook 

Dahil nga sa kasalukuyan ay naninirahan pa rin sila sa tahanan ng kanyang mga magulang, si Mommy Rachel at ang kanyang mister kasama ang kanilang tatlong mga anak ay magkakasama nga sa iisang silid. At dahil sa lumalaki na rin ang kanilang mga anak, ay napagtanto nilang mag-asawa na kinakailangan na nilang ma-e-maximize ang kwarto na kanilang tinutulugan.

Ayon kay Mommy Rachel, naisipan ng kanyang mister ang ipa-renovate ang kanilang kwarto at ang paglalagay ng loft-type bed dito, lalo na’t mayroon ngang mataas na ceiling ang kwarto kung saan sila natutulog na mag-anak.

“It was actually my husband’s idea to go for a loft style bedroom because our room has a very high ceiling. He thought that a loft-style room would be perfect, because we can convert the dead space in our room into a useable one”, pagki-kuwento ni Mommy Rachel.

Dahil sa napakagandang kinalabasan ng room renovation na ito nina Mommy Rachel ay na-i-feauture nga ito ng SamrtParenting.ph. Makikita nga sa naturang website ang ‘before and after’ ng room renovation nina Mommy Rachel, at talaga namang kamangha-mangha ang naging magandang resulta ng paglalagay nila ng loft-style bed, dahil sa mas naging maaliwalas ang kanilang silid.

Photo credits: Dr. Rachel Angela Galsim-Paronable | Facebook 

Photo credits: Dr. Rachel Angela Galsim-Paronable | Facebook 

Samantala, pagbabahagi pa ni Mommy Rachel sa SmartParenting.ph, ang kanyang mister ang gumawa ng loft bed structure. Ang kanilang ‘Uncle’ naman na isang karpintero at isa nilang pinsan ang tumulong sa kanila sa kabuuan ng ginawa nilang room renovation.

Umabot nga umano sa 10-araw bago natapos ang pag-assemble ng loft bed at nasa 4-araw naman ang pagpipintura ng wall at pag-aayos ng flooring, kaya naman halos nasa 2-linggo din bago tuluyang natapos ang renovation ng kanilang kwarto. Isang linggo pa naman ang kanilang pinalipas, bago nila muling tinulugan ang kwarto, para masigurado na hindi na nga amoy pintura ito.

“Total of 14 working days but there were rest days, so it took almost three weeks before we can finally sleep again in our room”, saad pa ni Mommy Rachel.

Photo credits: Dr. Rachel Angela Galsim-Paronable | Facebook 

Paglalahad pa ni Mommy Rachel, ang umabot sa Php120,000 ang lahat ng nagastos nila sa renovation ng kanilang kwarto, mula nga sa labor, mga materyales at maging mga accessories na makikita rito. Dagdag pa niya, sinigurado nila ng kanyang asawa na matibay at magandang klase ng materyales ang ginamit sa kanilang loft bed para rin sa kanilang kaligtasan.

Photo credits: Dr. Rachel Angela Galsim-Paronable | Facebook 

Maliban pa sa loft bed, ay makikita rin ang pagkakaroon na ng mas maayos na lagayan ng mga damit sa loob ng silid nina Mommy Rachel, dahil sa ginawa nilang bedroom renovation ay nagpalagay din nga sila sa ilalim ng loft bed nila ng aluminum storage cabinets. Aluminum, para iwas anay na rin.

Photo credits: Dr. Rachel Angela Galsim-Paronable | Facebook 

Photo credits: Dr. Rachel Angela Galsim-Paronable | Facebook 

Hindi nga lamang naging maayos at spacious ang kwarto nina Mommy Rachel matapos ang kanilang naging renovation, dahil ayon sa kanya ay naging advantage din nito sa kanilang mag-asawa ay sa mas nagkaroon din sila ng privacy, sapagkat ang kanilang dalawang anak na nasa edad 6 at 3 ay sa loft bed na natutulog, at sila namang mag-asawa kasama ang 1-taong gulang nila na baby ay sa ilalim naman ng loft bed natutulog kung saan mayroon din silang maayos na tulugan.

“The main advantage for us, is that my husband and I can enjoy a little privacy at night. You know what I mean”, ani pa ni Mommy Rachel.

Dagdag pa niya, “Before we are co-sleeping with our children in between us, so my husband and I barely have some alone time together.”

Photo credits: Dr. Rachel Angela Galsim-Paronable | Facebook 

Payo naman ni Mommy Rachel sa mga mag-asawa na nagko-co-sleeping sa mga anak nila ay maganda ang magkaroon ng loft-style bed. Ngunit may mga bagay ngang dapat isa-alang alang, tulad na lamang ng;

1. Research Ahead – “hindi lang dapat maganda ang kalabasan, dapat i-consider din ang safety lalo na ng mga magsstay sa taas (upper level of the loft). So, make sure na matibay ang foundation sa baba.”

2. Plan your budget wisely – “madaming unforeseen na gastos dahil minsan yung nilaan naming budget ay kulang pala. Kaya mas maganda kung paunti-unti kayong bumili ng materials para hindi masakit sa bulsa ang gastos.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *