Pinay Domestic Helper na Walong Taon ng Nagtratrabaho sa Saudi, Masayang Ibinahagi na Nakabili na siya ng Lupa at Nakapagpatayo ng Bahay, Napag-aaral niya na rin sa Kolehiyo ang kanyang Dalawang Anak

Talagang kahanga-hanga ang pagiging masipag at pagiging wais ng ilang mga Pilipino pagdating sa paghawak ng pera gaya na lamang ng OFW na ito na nakapagpundar ng bahay, lupa, at ilan pang ari-arian mula sa kaniyang pagtatrabaho sa ibang bansa.

Taong 2014 nang magsimulang magtrabaho si Vicky sa Saudi Arabia bilang isang katulong. Nagdesisyon siyang mangibangbansa noon upang makatulong sa pinansyal na pangangailangan ng kanilang pamilya gayundin sa kaniyang asawa na nagtatrabaho bilang isang internet installer.

Simula noon, SAR 1,500 ang kaniyang kinikita buwan-buwan. Mula naman sa kaniyang sahod, sinimulan na ni Vicky na magtayo ng isang bahay para sa kaniyang pamilya. Nagsimula na rin siyang mag-ipon para sa pag-aaral ng kaniyang dalawang anak.

Ang unang naipundar ni Vicky ay ang lupang kinatatayuan ng kanilang bahay. Sa loob ng 20 na buwan ay unti-unti siyang nagbayad ng PhP10,000.

Photo credits: thepinoyofw.com

Matapos niya itong mabayaran nang buo, kumuha agad si Vicky ng contractor upang masimulan na ang pagpapagawa ng kanilang bahay. Ayon sa kaniya, halos PhP789,000 na ang kaniyang nailabas na pera para sa pagpapagawa nito. Kung susumahin ito kasama ng kaniyang naibayad sa lupa na PhP200,000, halos PhP1 million na ang kaniyang nagastos para dito.

Photo credits: thepinoyofw.com

Photo credits: thepinoyofw.com

Photo credits: thepinoyofw.com

Photo credits: thepinoyofw.com

Bukod sa bahay at lupa, nakapagpundar din si Vicky ng ilang sasakyan. Nakabili siya ng dalawang motorsiklo at mayroon na rin silang isang tricycle.

Photo credits: thepinoyofw.com

Higit pa sa lahat ng materyal na bagay na naipundar ni Vicky, ipinagmamalaki niyang ibinahagi na kasalukuyang napapag-aral niya ang kaniyang dalawang anak sa kolehiyo.

Photo credits: thepinoyofw.com

Hotel and Restaurant Management o HRM ang kursong kinukuha ng kaniyang panganay na anak samantalang isang Psychology student naman ang kaniyang bunsong anak.

Photo credits: thepinoyofw.com

Masasabing talagang napunta sa magagandang bagay ang perang nakukuha ni Vicky mula sa kaniyang walang tigil na pagtatrabaho. Dagdag pa sa pagsisipag sa trabaho, nagbigay rin siya ng ilan pang payo na dapat gawin ng mga indibidwal lalong-lalo na ang kaniyang mga kapwa OFW kung nais din nilang makapagpundar ng maraming bagay. Ayon sa kaniya, kailangang gumawa ang buong pamilya ng listahan ng kanilang mga gastusin upang ang bawat miyembro ay makakatulong sa pagbabudget.

Maigi rin na laging humingi ng resibo sa bawat gastusin upang makita kung saan napupunta ang iyong mga ipinapadala. Higit sa lahat, mainam na ipadala lamang ang iyong pinaghirapang pera sa mga taong iyong pinagkakatiwalaan.

Katas ng OFW: Housemaid in Saudi Arabia Builds 2-BR House and Sends Kids to School

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *