Talagang masakit para sa mga pamilya ang mawalan ng sariling tahanan. Sa una ay hindi maiiwasan na makaramdam ng kalungkutan ngunit karaniwang naipapagawa ulit ng mga pamilyang ito ang kanilang nasalantang tahanan samantalang ang iba naman ay nagtatayo ng mas maganda at kapaki-pakinabang na property hindi lamang para sa kanilang pamilya kundi para na rin sa komunidad na tumulong sa kanila.
Disyembre noong taong 2019 nang masunog ang bahay nina Wilmer Lopez sa Nueva Ecija. Dahil halos walang natira sa kanilang tahanan, naging plano ng kanilang pamilya na gawin na lamang itong greenhouse dahil kinahihiligan din ng kanilang pamilya ang pagtatanim. Ngunit hindi ito agad naisakatuparan nang magsimula ang pandemya.
Photo credits: realliving.com.ph
Hulyo 2021 lamang nang masimulan ni Wilmer ang pagpapatayo ng Villa Emerita Greenhouse na may sukat na 180 sqm.
Photo credits: realliving.com.ph
Dahil hindi basta-basta ang pagpapatayo ng isang greenhouse, kinailangan ni Wilmer na mag-research tungkol sa iba’t ibang bagay na dapat isaalang-alang dito. Pumili din sila ng tamang kagamitan at materyales na makabubuti para sa mga halaman. Nagtanim din si Wilmer ng isang malaking balete sa gitna ng greenhouse. Kasama rin nito ang iba pang halaman gaya ng monstera, auriculata, philodendron billitae, alocasia, red banana, at mga ferns at succulents.
Photo credits: realliving.com.ph
Dahil sa dami ng kakaibang halaman na makikita dito, maaaring bilhin ng mga bisita ang ilan dito ngunit kung gusto lamang nilang makapagrelax, maaari silang magpahinga sa attic ng greenhouse. Para naman sa mga kapamilya ni Wilmer, mayroong isang pribadong kwarto rito. Bagay na bagay ang modern tropical na tema ng kwarto sa greenhouse.
Photo credits: realliving.com.ph
Bukod sa kwartong ito, mayroon ding kusina at dining area ang greenhouse.
Photo credits: realliving.com.ph
Photo credits: realliving.com.ph
Mapapansin dito ang ilang materyales na ginamit gaya ng Vigan tiles at jalousie na mula sa kanilang nasunog na tahanan.
Photo credits: realliving.com.ph
Sa kabilang banda, plano ni Wilmer na magbukas ng isang café sa attic kung saan maaaring magtulungan ang kanilang komunidad sa paghahain ng kape, sandwiches, at mga desserts. Plano rin nilang buksan ang Villa Emerita para sa mga photoshoots at maliliit at simpleng events.
Photo credits: realliving.com.ph
Kitang-kita naman ang kasiyahan ni Mommy Emerita sa bagong property na ito. Bukod sa napasaya ni Wilmer ang kaniyang nanay, napakinabangan din nila ang kanilang nasunog na property. Dagdag pa rito, marami din siyang natutunan sa pagpapatayo ng isang greenhouse.