Isa ang pilipinas sa mga may mainit na Klima kaya hindi naman nakakapagtaka na uso ang pagpapagawa ng swimming pool. Ngunit hindi lahat ay may kakayahan na magpatayo ng swimming pool dahil sa mataas nitong maintenance at sympre dahil mahal din ang pagpapagawa nito kaya naman ang iba ay nag Di-Diy at gumagawa ng kanilang sariling budget friendly na swimming pool.
Kagaya nalang ng pamilya ni Alvy Malinao na nakatira sa North Cotabato kung saan nagawan nila ng paraan na makapagpagawa ng swimming pool para sa kanilang mga anak na abot lamang ng kanilang budget.
Ang swimming pool nilang ito ay maypagkakahawig sa inflatable ang pinagkaiba lang nito ay naka fix ito at gawa sa bamboo, tarpaulin, hollowblocks. Naghukay lamang sila ng may lalim na 2 to 3 feet na abot lamang ng mga bata. Hindi naman nila sinemento ang ilalim ng swimming pool upang makasigurado sa safety ng mga bata.
Sinigurado naman ng gumawa na walang mga matalim na bagay ang pwedeng makatusok sa mga naliligo dito, kung saan tinabunan nila ang mga sharp edges ng half bamboo poles at binalutan ng tarpaulin.
Pinuno naman nila ng pebbles ang buong paligid ng kanilang DIY pool upang matabunan ang mga matatalim na bahagi ng bamboo sticks na suporta ng kanilang pool.
Samantala pwenesto naman nila ang kanilang Diy pool sa corner ng kanilang lote kung saan madalas silang nag cacamping kapag gabi. Nilagyan din nila ito ng party lights at mga halaman at bulaklak sa paligid, kaya naman enjoy na enjoy ang mga bata dito dahil kahit gabi ay nakakaligo sila.
Ayon sa pamilya na humigit kumulang Php10,000 lang naman ang nagastos nila dito kasama na ang labor at ang ilang mga materyales na kanilang binili upang mabuo ang kanilang DIY Swimming pool.
Payo ng pamilya na gustong gayahin ang kanilang DIY pool na kailangan pa din na pagplanohan ng mabuti at dapat kumuha ng magaling na gagawa upang maiwasan din ang mga hindi inaasahan na maaring makasakit sa mga bata na maliligo sa pool.
Talagang hahanga ka sa kakaibang diskarte at kung gaano ka creative ang mga pinoy. Kaya sa mga gustong gumawa ng sarili nilang DIY Swimming pool kagaya ng pamilyang ito, kailangan nyo lang talga ng tamang pagplaplano at magaling na gagawa.