OFW na Ama, Nakamit na ang Pangarap na Bahay para sakanyang Pamilya Matapos ang 20 Taon na Pagtratrabaho sa Ibang Bansa

Isa sa pangarap ng ating mga kababayan na OFW ay ang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya, sila ay nagsasakripisyo sa ibang bansa upang masigurado ang kinabukasan at mabigyan ng maginhawang buhay ang kanilang mga anak o mga magulang.

Isa din sa ultimate dream ng ilan nating mga kababayan ay ang makapatayo ng sarili nilang bahay sa Pilipinas upang mabigyan ng komportableng tirahan ang kanilang pamilya.

Katulad nalang ng overseas filipino worker na si Alex Fernandez na nagtrabaho ng halos 20 taon sa Saipan bilang isang merchandiser, kung saan nakamit niya na ang kanyang matagal na pangarap na makapagpatayo ng kanyang dream house para sa kanyang pamilya.

Kwento ni Alex na noong una ay hindi niya prioritize ang pagpapagawa ng bahay dahil inuna nila ng kanyang misis na si Cecil ang edukasyon ng kanilang mga anak. Kaya naman hinintay muna nilang makapatapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak bago nila sinimulang ipatayo ang kanilang bahay.

Dahil sa sipag at tiyaga nilang mag-asawa napagtapos nila ang kanilang mga anak kung saan ang kanilang panganay na anak na babae ay graduate na ngayon ng Bachelor of Fine Arts – Industrial Design sa UP Diliman, samantala ang bunsong anak naman nila na lalaki ay graduate naman ng Bachelor of Electronics Engineering  sa Mapua University sa Intramuros.

Ayon sa panganay nilang anak na 2008 ng nagloan ang kanilang mga magulang sa Pag-ibig housing loan para sa pangarap nilang bahay, pero ito ung bahay na hindi pa renovated, binili lang nila ito at hindi muna pinaayos dahil mas inuna umano ng kanilang mga magulang ang mapagtapos silang magkapatid.

Photo credits: Ces Fernandez | Smart Parenting

Matagal naring pangarap ng kanilang mga magulang na matirhan ang kanilang nabiling bahay na ito, ngunit hindi nila magawang tirhan dahil wala pang budget para sa pagpaparenovate nito dahil nagiipon ang mag-asawa para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

“Matagal nang pangarap ng Mom and Dad ko na tumira sa dream house nila. They’re apart for almost 20 years kasi nga nag-OFW pa ‘yung Dad ko para mapagtapos kami,” 

“Na-miss man nila yung 20 years na ‘yun, they’re looking forward to spend their retirement years together sa dream house nila.” pagpapaliwanag ng anak nilang si Ces.

Ayon pa sa anak na si Ces, na nakitira lang sila sa lote ng kanyang lola kung saan dito na tumira ang kanilang mga magulang simula ng ikasal ang mga ito at dito narin sila lumaking magkapatid.

“Nakitira lang kami sa lot nila Lola noon. Simula noong 1987 na kinasal ang mom at dad ko, doon na sila nag-stay at nagpalaki ng pamilya.”

2019 ng magsimula ang mag-asawa at kanilang mga anak na pagiupanan ang extension at renovation ng nabiling bahay nila noong 2008 kung saan binugetan nila ito ng Php2.5 milyong piso na nagsimula noong 2021.

Photo credits: Ces Fernandez | Smart Parenting

Last year ng October, ng opisyal na nakalipat ang pamilya sa kanilang bagong ayos at renovated na bahay kung saan nakapark nadin dito ang kanilang nabiling sasakyan noong 2020.

Masayang ibinahagi din ni Ces na ang lahat ng ito ay family effort dahil lahat sila ay nag chip-in para sa pangarap na bahay ng kanilang mga magulang, at talagang nagtulungan din silang magkapatid para naman maging sulit ang pinaghirapan ng kanilang mga magulang sa loob ng 20 taon. Hindi naman daw sila ni-require ng kanilang mga magulang na tumulong sa pagpapatayo nito dahil kusa nila itong ginawa para pasalamatan ang mga magulang sa lahat ng sakripisyo na kanilang ginawa para sa kanilang magkapatid.

Binalikan din ni Ces ang pinagdaanan ng kanyang ama noon sa Saipan kung saan talagang masasabing para din ito sakanyang ama matapos nitong maranasan dati na manirahan sa evacuation center matapos tangayin ng isang super typhoon ang kanyang tinitirhan na bahay.

“There was a time na naging evacuee pa ang Dad ko sa Saipan,  “Kasi natangay ng Super Typhoon ‘yung bahay na nire-rent n’ya doon noong 2018. Kaya very meaningful ito for the whole family, lalo na sa Dad ko na naranasan mawala ang lahat at nakatira lang sa evacuation center.”

Photo credits: Ces Fernandez | Smart Parenting

Talagang sulit ang mga sakripisyo ni Alex sa ibang bansa dahil sa kanyang sipag at tiyaga ay napagtapos niya ang kanyang mga anak na pawang mga propesyonal na at higit sa lahat may sarili na silang bahay na may napakagandang disenyo at napaka komportableng bahay.

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *