Nang Dahil sa Insurance Naparenovate ng Pamilyang ito ang Kanilang Bahay na 23 Years na nilang Tinitirhan

Isang pamilya ang nagpatunay na mahalaga talaga na habang bata kapa ay pinaghahandaan mo na ang future at seguridad ng pamilya sa pamamagitan ng mga investment kagaya nalang ng health insurance.

Sila ang pamilya Petalver na ibinahagi ang kanilang kwento matapos maiparenovate ang kanilang bahay galing sa insurance ng kanilang yumaong kapamilya dahil sa pandemya.

Alam natin na marami ang binawian ng buhay noong kasagsagan ng pandemya at nakakalungkot na marami din ang mga bata pa ang edad ang ilan sa mga ito, kasama na nga dito ang panganay na anak ni Mang Elpidio at Aleng Suzie Petalver na si John.

Taong 2021, kasagsagan ng pagkalat ng pandemya ng tamaan ang kanilang anak na si John ng kumakalat na sakit, sa kasamaang palad ay pumanaw ito dahil sa kumplikasyon.

Kwento ng pangalawang babaeng anak ni Mang Elpidio na si Jane na nagtratrabaho sa isang memorial industry na bata palang siya ay matayog na ang kanyang pangarap, at isa sa mga susi para maabot ang mga ito ay ang magipon at masiguradong secure ang kanyang future sa pamamagitan ng pag invest sa memorial lots, health insurance at kung ano ano pang investment opportunity na pwede niyang paglagyan ng kanyang kinikitang pera.

Photo credits: JANE PETALVER | Facebook

Dito niya nahikayat ang kanyang kuya Josh na maginvest din, kaya naman taong 2018 ng magdesisyon ang kanyang kuyang si Josh na mag pa-insured para daw may mapuntahan ang sahod din nito at para narin maseguridad ang kinabukasan pati narin ang kanyang pamilya.

Ayon kay Jane, noong una ay hindi sangayon ang kanilang mga magulang sa pagkuha ng mga ito ng insurance dahil bata pa naman daw ang mga ito at healthy pa kung saan pwede pa magamit umano ang perang hinuhulog nila sa mas importanteng bagay. Ang hindi alam ng kanilang mga magulang na ang pagiging insured ang pinaka mahusay na desisyon na ginawa nila sa kanilang buhay.

Hanggang dumating na nga ang isa sa pinaka madilim na bahagi ng buhay ng kanilang pamilya, ang pumanaw ang kanilang panganay na si Josh kung saan sobrang naging masakit para sa pamilya ang biglaang pagkawala nito lalo na at napaka bata pa ni Josh at maraming plano pa sa buhay.

Ngunit naniniwala naman si Jane na alam niyang may iba pang layunin at plano ang panginoon para sakanilang pamilya kaya maagang kinuha sakanila ang kuya niyang si Josh.

Ang pagpapa renovate ng kanilang Bahay dahil sa Insurance

Si mang Elpidio ay isang tricycle driver samantala ang kanyang asawa naman na si Aleng Suzie ay isang housewife lang, kwento ng anak nilang si Jane na magaling ang kanilang mga magulang sa paghawak ng pera dahil napagtapos sila ng mga ito sa pag-aaral.

Hindi sila naging maluho at kahit ang kanilang bahay na tinitirhan ay hindi nila pinapaayos dahil inilalaan umano ng mga ito ang kanilang kita para sa pag-aaral nilang mga magkakapatid.

Dahil sa nakuha nilang pera sa insurance ni Josh, naiparenovate ng pamilya ang kanilang bahay na dati ay walang kisame, pero ngayon ay meron na at may pintura pa.

Photo credits: JANE PETALVER | Facebook

Kahit ang kanilang pader na hindi pa naka finish ay ngayon ay napakaganda na dahil ito ay may pintura narina at may mga nakasabit pa na artwork paintings.

Photo credits: JANE PETALVER | Facebook

Pati kusina nila ay napakaganda narin ngayon kung saan ang mga open lang dati na estante ay cabinet na ngayon, naka granite narin ang kanilang kusina.

Photo credits: JANE PETALVER | Facebook

Pati narin ang living room at dining room ay napakaaliwalas na at napakaganda.

Photo credits: JANE PETALVER | Facebook

Photo credits: JANE PETALVER | Facebook

Pati mga kwarto at mga banyo ay napagawa narin nila na ngayon ay talagang napakaganda na.

Photo credits: JANE PETALVER | Facebook

Photo credits: JANE PETALVER | Facebook

Photo credits: JANE PETALVER | Facebook

Photo credits: JANE PETALVER | Facebook

Kaya naman ayon kay Jane ay hanggang sa huli ay pinaramdam pa din talaga sakanila ng kanilang yumaong kuya na hindi sila nito pinabayaan at talagang mahal na mahal sila nito.

Photo credits: JANE PETALVER | Facebook

Ngayon mas natatamasa na ng pamilya ang mas komportableng paninirahan sa kanilang bagong renovate na bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *