Magasawa na Nagkakilala sa Isang Online Game, Nakapagpundar ng kanilang Dream House sa Tulong ng Isang Lasing na Kaibigan

Hindi biro ang pagbili or pagpapatayo ng bagong bahay dahil maliban sa bahay kailangan din ng lote na pagtatayuan nito kung saan talagang gagastos ng malaki at mas mahirap ito lalo na kung nagsisimula palang kayo na pamilya.

Ganito ang naranasan ng kakakasal lang na si Anthony at Celyn Rafar na nangarap agad na makapagpatayo ng kanilang dream house, ngunit sa kasamaang palad ay hindi naayon sa kanilang kagustuhan ang mga nangyari dahil ng magkaroon ng pandemya parehas sila ng kanyang asawa na nawalan ng trabaho.

Photo credits: GMA Regional TV | Youtube

Dahil narin nawalan ng trabaho naging imposible para sa mag-asawa na makapagloan sa banko dahil narin sa financial issue, ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang dumating sakanila na naging daan upang maituloy nila ang pangarap na magkaroon ng sariling bahay.

Photo credits: GMA Regional TV | Youtube

Nangyari ang hindi nila inaasahang pangyayari na ito noong kanilang wedding party kung saan isa sakanilang mga kaibigan na sobrang lasing ang nangako na papahiramin sila ito ng pera na nagkakahalaga ng Php2,000,000 para mapagawa ang kanilang pangarap na bahay.

Photo credits: GMA Regional TV | Youtube

Photo credits: GMA Regional TV | Youtube

Photo credits: GMA Regional TV | Youtube

Photo credits: GMA Regional TV | Youtube

Dahil lasing ang kaibigan hindi nila ito masyado pinaniwalaan at inintindi dahil akala nila isa lang itong biro ng lasing na kaibigan, ngunit makalipas ang ilang araw nagulat sila ng biglang dinalaw sila ng kanilang kaibigan dala dala ang isang cheke na nagkakahalaga ng Php2,000,000.

Photo credits: GMA Regional TV | Youtube

Dahil sa perang ito natupad ng mag-asawa ang kanilang pangarap na bahay. Sa isang eksklusibong online interview sakanila ng GMA Regional TV, tinanong ang mag-asawa kung bakit nga ba bahay ang kanilang unang ginusto na buoin kung saan maari naman nila itong ipagpaliban at mag achieved muna ng ibang milestone as couple kung saan sinagot ng mga ito na na in-love sila sa idea na magkaroon ng isang pamilya na nakatira sa sariling bahay.

Photo credits: GMA Regional TV | Youtube

Nagkakilala ang mag-asawa sa isang online game na ‘world of magic’ kung saan dito sila nagkamabutihan, nasa Estados Unidos noon si Anthony at nasa Pilipinas naman si Celyn ng sila ay magkakilala online at parehas na nag-aaral sa kolehiyo.

Photo credits: GMA Regional TV | Youtube

Talagang napakaganda at kakaiba ang kwento ng mag-asawa na ito na nagsimula lang sa isang online games, nakapagpakasal at natupad ang pangarap na bahay dahil sa kanilang lasing na kaibigan.

Dream house ng mag-asawa, tinupad ng kaibigan nilang lasing | UB

Mornings with GMA Regional TV: Kwento ng Pagmamahalan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *