Mag-Ina, Nakapagpatayo ng Kanilang Dream House Matapos ang Ilang Taong Pagiging OFW sa Dubai

Hindi madali ang pagkamit ng ating mga pangarap sa buhay. Kadalasan, kinakailangan ng napakahabang panahon ng pagtatrabaho at pag-iipon upang makuha lamang ito. Kung minsan, kailangan ding magsakripisyo at magtulungan ng mga magkakapamilya upang makamit din ang mga ninanais nila sa buhay. Dahil dito, talaga namang nakakatuwang makita ang mga magkakapamilya na nagtutulungan upang maabot ang pangarap ng kanilang mag-anak.

Habang patuloy na iniraraos ng mga magulang ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya, nagpupursige rin naman ang kanilang mga anak sa pagtatrabaho o pag-aaral.

Ganito rin ang kwento nina Ar Lyn Pentio. Taong 2011 pa nang mangibangbansa si Ar Lyn. Nakapagtrabaho na rin siya sa Dubai at Kuwait. Gaya ng ibang mga Overseas Filipino Workers o OFW, pangarap din ni Ar Lyn na mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya.

Photo credits: Ar Lyn Pentio | Facebook

Isa rin sa kaniyang mga pangarap ay ang makapagpundar ng isang magandang tahanan. Sa kabila nito, alam ni Ar Lyn ang kaniyang mga prayoridad sa kasalukuyan kaya naman hindi niya agad naisakatuparan ang pangarap na ito. Inilaan na lamang niya ang kaniyang naiipon mula sa pagtatrabaho para sa edukasyon ng kaniyang mga anak.

Photo credits: Ar Lyn Pentio | Facebook

Nagkaroon naman ng magandang resulta ang sakripisyong ito ni Ar Lyn nang sa wakas ay nakapagtapos na rin ang kaniyang panganay na anak sa kolehiyo. Taong 2017 nang kunin niya ang kaniyang panganay na anak upang magtrabaho na rin sa Dubai.

Dahil sa pagtutulungan nilang mag-ina, unti-unti nang nabubuo ni Ar Lyn ang kaniyang pangarap na bahay. Sa labas pa lamang ng tahanan ay mapapansin na agad ang modernong tema nito.

Photo credits: Ar Lyn Pentio | Facebook

Napaliligiran din ito ng napakaraming halaman kaya talaga namang makakapagrelax si Ar Lyn sa tuwing magpapahinga siya sa porch ng kaniyang bahay.

Photo credits: Ar Lyn Pentio | Facebook

Photo credits: Ar Lyn Pentio | Facebook

Pagdating naman sa loob ng tahanan, mapapansin na malawak ang espasyong inilaan para sa living area.

Photo credits: Ar Lyn Pentio | Facebook

Photo credits: Ar Lyn Pentio | Facebook

Photo credits: Ar Lyn Pentio | Facebook

Swak na swak ito upang sama-samang makapag-bonding ang kanilang buong pamilya. Maaari din umanong umabot sa halagang PhP1.8 million ang magagastos sa pagpapatayo ng ganitong klaseng tahanan.

Hindi man ito kasinglaki at kasinggara ng mga mansyon, hindi maipagkakaila na karapat-dapat pa rin itong ipagmalaki dahil mula ito sa dugo at pawis ni Ar Lyn at ng kaniyang buong pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *