Mag-asawa Nagpatayo ng Outdoor Playground para sakanilang mga Anak noong Kasagsagan ng Pandemya Upang Maiwasan ng mga ito ang pagkabagot ng mga Bata

Ang pagpapanatili ng kaligtasan ng mga bata ang isa sa mga naging hamon para sa mga magulang noong nagsimula ang pandemya. Dagdag pa rito, naging hamon rin ang pag-iisip ng mabuting mga libangan para sa kanilang mga anak upang maiwasan ang pagkabagot at stress ng mga ito.

Ayon kay Jhoye Miral Papio, nakita niyang nahirapan ang kaniyang mga anak sa biglaang pagbabago ng kanilang mga nakagawiang aktibidad noong nagsimula ang pandemya. Lalo ring naapektuhan ang kaniyang bunsong anak.

Dahil dito, noong una ay naisip ni Jhoye na bigyan ng iba’t ibang laruan ang kaniyang mga anak upang malibang naman ang mga ito. Ngunit dahil natural na sa mga bata na agad na magsawa sa mga bagay at gawain, hindi nagtagal ay hindi na rin nila ito nagamit kaya naman minabuti ni Jhoye na humingi ng payo at suhestiyon mula sa guro ng mga bata.

Dito na nga siya nagkaroon ng ideya na magpatayo ng isang maliit na playground para sa kaniyang mga anak.

Photo credits: JHOYE MIRAL PAPIO | Facebook

Perpekto ang ideyang ito dahil mayroon silang maliit na espasyo sa kanilang bakuran na napalilibutan ng iba’t ibang puno. Matapos nga ang dalawang linggo ay agad namang natapos ang playground na ito. Siniguro nilang napalilibutan ito ng bakod na gawa sa bakal.

Photo credits: JHOYE MIRAL PAPIO | Facebook

Puno rin ito ng buhangin upang maiwasan ang anumang aksidente habang naglalaro ang kanilang mga anak. Mapapansin din ang mga oregano at citronella sa paligid nito.

Photo credits: JHOYE MIRAL PAPIO | Facebook

Photo credits: JHOYE MIRAL PAPIO | Facebook

Ayon kay Jhoye, sinadya talaga nila ito upang maitaboy nila ang mga insekto at lamok. Kumpleto naman ang playground ng slide, swing, at isang climbing wall.

Photo credits: JHOYE MIRAL PAPIO | Facebook

Kwento ni Jhoye, maganda ang naidulot ng pagkakaroon ng playground. Bukod sa naiiwasan ng kaniyang mga anak ang paggamit ng mga gadgets, natuto rin silang magbahagi ng kanilang mga laruan sa isa’t isa. Nakakatuwa ring mas may gana na sila sa pagkain ngayon. Dagdag pa sa mga ito, mayroon din itong magandang naidulot para kay Jhoye at sa kaniyang asawa.

Photo credits: JHOYE MIRAL PAPIO | Facebook

Nakakapagtrabaho na sila nang maayos at mayroon na silang oras para sa kanilang sarili. Dahil dito, sang-ayon si Jhoye na gaya ng mga bata noon, talagang mahalaga rin para sa mga bata ngayon na maranasan ang paglalaro sa labas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *