Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pangarap na tahanan at kung saan natin ito nais na maipatayo. Ang iba ay nais na ipatayo ang kanilang dream home sa gilid ng dagat, at mayroon namang iba na ang pangarap ay maipatayo ang kanilang dream home sa loob ng isang subdibisyon.
Ngunit para sa netizens na si Anna Monica Salamat, ang kanyang pangarap na tahanan ay isang farmhouse at nais niya itong maitayo sa lugar na napapalibutan ng magandang tanawin kung saan tanaw ang napakagandang pagsikat at paglubog ng haring araw. At para nga sa kanya ang perfect place na ipatayo ang dream farm house nila ay sa gitna ng palayan.
Photo credits: Anna Monica Salamat | Facebook
Ayon kay Anna, magmula ng siya’y magkatrabaho ay pinapangarap na niyang maipatayo ang pangarap niyang farmhouse, ngunit hindi nga ito agad naisakatuparan, tsaka lamang nabigyan ng kulay ang pangarap niyang ito ng dalhin siya ng kanyang mister sa ancestral place nito kung saan natagpuan niya ang perpektong lugar para sa kanilang magiging pangarap na farmhouse.
“For some reason, that dream faded until my husband brought me to their ancestral place, the exact area where we built our mini farmhouse. I’ve told him about my dream and he agreed that we can add it to our list of future projects not knowing it will be built soon”, saad ni Ana sa SmartParenting.com.ph.
Photo credits: Anna Monica Salamat | Facebook
Dagdag na saad ni Ana, sinimulan nilang mag-asawa na buuin ang kanilang pangarap na farmhouse upang makalimutan nila pareho ang isa sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay nila, kung saan nalaglag ang ipinagbubuntis niya na unang anak sana nila ng kanyang mister.
Photo credits: Anna Monica Salamat | Facebook
Maliban masakit na dahilan na ito ay gusto din ng mag-asawa na paghandaan ang future nila at ng ipinagbubuntis ngayon ni Anna sa pangalwang pagkakataon.
“We thought that it’s the perfect timing for us to fully focus on the construction and at the same time, once a healthy baby comes, we can have a peaceful baby comes, we can have a peaceful place where we can rest and recover”, saad pa ni Ana.
Pagbabahagi ni Ana ang konstraksyon ng farmhouse nila na ito na matatagpuan sa isang napakagandang lugar sa Bulacan kung saan tanaw ang bundok ng Arayat ay inabot umano ng 3-buwan gawin, sinimulan ito ng buwan ng Mayo at natapos ng buwan ng Agosto taong 2021.
Photo credits: Anna Monica Salamat | Facebook
Saad pa niya, nag-hired sila ng contractor na siyang magunguna sa buong konstraksyon samantala ang naging kabuuang napakagandang resulta naman nito ay dahil sa pagtutulungan nila ng kanyang asawang si Erick.
Talaga namang kahanga-hanga ang farmhouse na ito ng mag-asawa, dahil maliban sa napakagandang disenyo at istilo ng tahanan nila na ito ay kaaya-aya din ang pagkakaayos nila sa interior nito, idagdag pa ang pagkakaroon nila ng indoor/outdoor swimming pool na ang tanawin nga ay ang luntiang palayan kaya naman tunay na kaaya-aya ito at nakaka-relaks.
Photo credits: Anna Monica Salamat | Facebook
Ayon pa kay Ana, dahi nga tipikal na nasa rural area ang farmhouse nilang mag-asawa ay mahina nga ang internet connection dito, kaya naman naiiwasan din nilang mag-asawa ang madalas na pagbabad sa gadgets at mas madami ang nailalaan nilang oras sa isa’t isa.
Photo credits: Anna Monica Salamat | Facebook
Photo credits: Anna Monica Salamat | Facebook
Photo credits: Anna Monica Salamat | Facebook
Photo credits: Anna Monica Salamat | Facebook
Photo credits: Anna Monica Salamat | Facebook
Photo credits: Anna Monica Salamat | Facebook
Photo credits: Anna Monica Salamat | Facebook
May payo naman si Ana para sa mga nagnanais din makapagpatayo ng sariling farmhouse. Ayon nga sa kanya isa sa mga mahalaga isaalang-alang ay ang bigyang prayoridad ang mga ‘needs’ bago ang ‘wants’. Dagdag pa niya, mahalaga din na lahat ng mga pinagagastusan ay naka-lista upang malaman kung saan napupunta ang perang iyong pinaghirapan, at makakatulong din umano kung iiwasan na pag gastusan ang mga bagay na mabubuhay ka naman kahit wala ka nito sa iyong buhay.
“It might sound cliché but it has worked for us over the years. List down all your expenses so you can track the money you spend and cut down on the stuff you can live without.”