Mag-asawa nag DIY ng Sarili Nilang Mini Outdoor Swimming Pool sa Likod ng Kanilang Bahay Para sa Kanilang mga Anak Kung Saan, Gumastos lamang Sila Dito Ng Php12k

Alam naman natin kung gaano kamahal ang magpagawa ng swimming pool, hindi lang sa pag-papagawa kundi sa pag maintan nadin. Kaya naman ilan sa mga nauuso ngayon sa social media ay ang mga DIY swimming pool.

Katulad nalang ng couple na sina Luz Custodio Gito at Crisnamorthy Gito na nakagawa ng DIY swimming pool para sa kanilang mga anak sa halagang Php12,000 lamang.

Isang OFW si Crisnamorthy na nawalan noon ng trabaho dahil sa pandemya, wala silang magawa noon sa kanilang bahay at hindi din makalabas dahil sa takot na mahawa, kaya naman para may mapaglibangan ang kanilang mga anak at mga pamangkin, naisipan ng couple na ito na magpatayo sa likod ng kanilang bahay ng isang maliit na swimming pool.

Isang Civil Engineer pala si Crisnamorthy kaya naman may idea siya kung paano gumawa ng Swimming pool. Si Crisnamorthy ang nagdisenyo at nagplano ng lahat kung saan hindi na niya nilagyan ng Filter ang DIY swimming pool na ito upang mas makatipid.

Ayon sa couple na may Php15,000 silang budget para sa pagawa nito ngunit Php12,000 lang ang kanilang nagastos dahil hindi sila naghire ng gagawa at mismong si Crisnamorthy ang gumawa ng pool na ito samantalang si Luz naman ang nagpintura.

Para mas makatipid epoxy lang ang ginamit ni Crisnamorthy sa interior ng pool.

May sukat na 5 feet na lapad at 10 feet na haba ang kanilang ginawang pool na ito samantalang 3 feet naman ang lalim nito na perpekto para sa mga bata.

Ang pool na ginawa nila ay walang filter upang malaki ang matipid nila at mas makamura, pinupuno lang nila it ng tubig gamit ang host na parang kagaya sa inflatable pool at nilalagyan ng cholorine para linisin ang tubig at safe sa mga bata.

Kapag madumi na ang tubig at kailangan ng palitan, ginagamit naman nila ang nakuhang tubig dito na drinidrain bilang pandilig sa halaman at panglinis ng kung ano ano pang bagay na pwede gamitan ng tubig na ito.

Samantala enjoy na enjoy naman ang kanilang mga anak at pamangkin dito dahil simula tumama ang pandemya hanggang ngayon ay nagagamit pa din nila ito madalas.

Talagang hahanga ka talaga sa creativity ng pinoy kung saan nakakagawa ng paraan kahit kapos sa budget.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *