Mag-asawa na Senior, Nakapagtayo ng 2-Storey House ng Sila lang ang Nag Disenyo at Gumawa

Sino nga ba ang magaakala na sa sa tumatandang edad ng mag-asawang ito ay nagawa pa nilang makapagpatayo ng 2-storey house ng sila lang. Isa sila sa mga patunay na ang edad ay pawang numero lang at hindi ito nasusukat kung ano pa ang mga kayang gawin ng isang tao sa buhay kahit pa ito ay may edad na.

Photo credits: Junnel Gurrobat | Facebook

Sa isang post sa Facebook Community na Home Buddies kung saan mga home enthusiast ang mga miyemro, hindi napigilan ng ni Junnel Gurrobat na ibahagi dito ang achievement ng kaniyang mga magulang na sina Noel at Estrella Gurrobat matapos makapagpagawa ang mga ito ng modern 2-storey house sa kanilang lugar sa Muntinlupa.

Photo credits: Junnel Gurrobat | Facebook

Si Junnel ay kasalukuyang nagtratrabaho sa Doha Qatar bilang isang front desk officer at madalas siyang nagpapadala ng pera sa kanyang mga magulang. Ang hindi alam ni Junnel na ang perang ipinapadala niya sa mga magulang ay iniipon pala ng mga ito para sa isang sekretong proyekto.

“Sa totoo lang po, hindi ko expected nung una na may balak pala silang gawin na personal project ‘yong bahay. Never kasi silang nag-open up sa akin about their plans and sa gagawing design. Gusto din siguro nila akong sorpresahin,”

Photo credits: Junnel Gurrobat | Facebook

Gusto din umano siyang surpresahin ng mga magulang niya kahaya hindi ito pinapaalam sakanya. Ayon kay Junnel ang unang plano talaga ng kanyang mga magulang ay e-extend lang ang kanilang bunggalow house kung saan dadagdagan lang sana ito ng isa pang floor upang ang first floor ay kanilang papaupahan.

Ngunit ng ikonsulta nila ito sa eksperto ay hindi pumasa ang kanilang bahay upang lagyan ng 2nd floor dahil sa luma na ang mga pundasyon nito at hindi nakadesinyo na lagyan ng isa pang palapag, isa pa ay 90s pa ito ginawa at mahina na ang mga pondasyon.

Ngunit dahil desisdido ang mag-asawa na may mapuntahan na maganda at kumikita ang ipinapadalang pera ng kanilang anak sa kanila, nagdesisyon ang mga ito na egive up nalang ang kanilang garden area at dito itayo ang kanilang planong bagong bahay.

Ayon kay Junnel nagulat siya noong nakita niya ang larawan na hinuhukay na ang kanilang garden dahil ayon kay Junnel ito ang paboritong espasyo ng kanyang ina kung saan dito niya ginugugul madalas ang kanyang oras para mag gardening at ito narin ang naging libangan nito.

Ang mag-asawa ang halos gumawa ng lahat ng walang masyadong tulong, magmula sa pag-apply ng building permit hanggang sa matapos ang kanilang bahay, si Tatay Noel ang naging incharge sa construction maliban nalang sa mga mabibigat na gawain kagaya ng groundbreaking, pagbuhos para sa mga pondasyon kung saan naghire sila ng mga tao para dito.

Photo credits: Junnel Gurrobat | Facebook

Ayon kay Junnel, nagsuggest siya sakanyang ama noon na maghire sila ng mga tao na tutulong sakanya para sa pagtapos ng bahay ngunit tumangi ang kanyang ama dahil gusto umano nito na makuha ng tama lahat ng detalye.

Photo credits: Junnel Gurrobat | Facebook

Si tatay Noel ay may karanasan sa construction dahil dati itong nagtrabaho bilang isang construction worker sa ibang bansa gaya ng Dubai, Saudi at Palau.

“Noong nag-suggest ako kay Tatay na pwede kami mag-hire ng tutulong, sabi nya, mas okay daw na siya na lang kaysa makita ‘yong gawa ng iba na bara-bara tsaka hindi naman daw minamadali,”

Dahil dalawa lang silang mag-asawa na gumagawa sa bahay, inabot ito ng halos dalawang taon bago nila matapos. Inabot pa sila ng pandemya kung saan ito na din ang naging libangan ng mag-asawa araw-araw lalo na at hindi makalabas ang mga ito ng kanilang compound dahil narin sakanilang edad.

Sa pag finalized naman ng disenyo sa loob ng kanilang bahay ay nagtulong tulong silang pamilya na magbigay ng idea kaya naman napakaganda ng naging resulta nito.

Ayon kay Junnel na kapag ready na lipatan ang bahay na ginawa ng kanyang mga magulang ay lilipat na ang mga ito upang ang kanilang lumang bunggalow house ay kanila ng paparentahan. Pagbabahagi pa ni Junnel na marami ang naging magandang naidulot ng proyektong ito ng kanyang mga magulang sa kanilang pamilya, dahil mas naging matibay ang bonding nila sa isat-isa lalo na sa komunikasyon niya sa kanyang mga magulang especially sakanyang ama.

Photo credits: Junnel Gurrobat | Facebook

Photo credits: Junnel Gurrobat | Facebook

Photo credits: Junnel Gurrobat | Facebook

Photo credits: Junnel Gurrobat | Facebook

Ano ang masasabi niyo sa Achievement ng senior couple na ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *