Mag-Asawa, Ipinasilip ang Kanilang Napakagandang 35 sqm. na Tiny House na Nagkakahalaga ng Php1.8M

Parami nang parami na ang nagbabahagi ng kanilang sariling tiny house. Gaya ng iba, nais rin ng mag-asawang sina Edward and Pinky Doros na ibahagi ang kanilang “Tiny and Tidy House” upang magbigay ng ideya at inspirasyon sa ibang taong interesado sa mga tiny homes.

Ayon kay Edward, 35 sqm. ang sukat ng tiny house samantalang ang annex naman ay may sukat na 15 sqm. lamang.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Ang kabuuang property naman ay may sukat na 250 sqm. Bagamat maliit lamang ang sukat ng kanilang property, mayroon na silang maliit na basketball court.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Dagdag pa rito, isang self-proclaimed plantita rin si Pinky kaya naman punong-puno ng napakaraming bulaklak ang kanilang garden.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Lalo ring na-eenjoy ng Doros family ang napakagandang view ng garden na ito mula sa kanilang lanai. Bukod naman sa main house, mayroon ding annex ang property kung saan makikita ang maliit na opisina.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Mayroon ding ilang exercise equipments na makikita dito. Plano rin nilang maglagay ng maliit na dirty kitchen sa katabing bahagi nito.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Photo credits: OG | Youtube Channel

Photo credits: OG | Youtube Channel

Pagdating naman sa main tiny house, kapansin-pansin ang itim nitong kulay.  Ayon kay Pinky, talagang sinadya nila na ganito ang kulay ng kanilang tiny home dahil kumpara sa mga pangkaraniwang kulay, low-maintenance raw ito. Kaiba naman sa itim na kulay ng bahay, maaliwalas ito sa loob.

Pagpasok pa lamang sa bahay ay makikita agad ang maliit na living area at altar.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Si Pinky rin mismo ang personal na namili ng mga mwebles sa parte ng bahay na ito gaya ng sofa bed. Kakaiba rin ang napiling foldable coffee table rito.

Sa kabilang banda naman ng bahay, mapapansing walang dining area ang tiny home ngunit makikita ang bar kung saan madalas na kumakain ang mag-asawa.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Bukod dito, nagagamit rin nila ito sa tuwing naghahanda sila ng pagkain. Simple din ang itsura ng kusina ngunit makikita ang napakaraming storage spaces upang mapanatili nilang organisado ang kanilang mga kagamitan.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Photo credits: OG | Youtube Channel

Mula rito ay maaaring makapunta sa utility area kung saan makikita ang laundry area at comfort room. Gaya ng mga naunang parte ng bahay, minimalist din ang disenyo nito.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Konektado rin ang bahaging ito sa master’s bedroom.

Photo credits: OG | Youtube Channel

May karagdagang espasyo rin ang tiny house sa loft kaya naman talagang nasisiguro nilang komportable ang kanilang mga bisita.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Photo credits: OG | Youtube Channel

Masasabi nga na talagang tiny and tidy ang property na ito. Bukod sa napakagandang arkitektura ng tiny house, ibinahagi rin ng mag-asawa na gaya ng ilang bahay ay gawa ito sa kahoy, semento, at bakal. Ayon kay Edward, ang buong property ay nagkakahalaga ng PhP1.8 million.

This 1.8 Million Tiny Home Does Have a Dark & Light Side to It; But in a GOOD Way | Tiny Home Living

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *