Laborer at Carwash Boy na Ama sa Saudi, Pwede ng Magretiro sa Kanyang Naipagawang Bahay Matapos Mapagtapos lahat ng kanyang mga Anak sa Kolehiyo

Hindi madali ang maging isang Overseas Filipino Worker dahil kailangan nilang magsakripisyo at magtiis na hindi makasama ang pamilya ng ilang taon para lang mabigyan ng maganda buhay ang kanilang mga mahal sa buhay.

Marami tayong nababalitaan na mga masalimuot na karanasan ng ating mga kababayang OFW sa ibang bansa ngunit marami din namang nagbahagi ng kanilang tagumpay kung saan nakamit na nila ang kanilang pangarap na makapagipon, mapag-tapos ang mga anak at makapag pundar ng lupa at bahay galing sa kanilang pinagpaguran sa ibang bansa.

Isa sa nagbigay ng inspirasyon sa social media ay ang dating OFW sa Saudi na si Ricky Dimaala, kwento ni Ricky na tatlong taon palang silang kasal ng kanyang asawang si Sol ng mangibang bansa siya upang doon magtrabaho bilang isang laborer.

Photo credits: Ricky Dimaala | Facebook

Naging masipag at wais sa paghawak ng pera si Ricky dahil ulti mong day-off niya ay nagtratrabaho siya sa isang mall bilang car wash boy.

Dahil sa kanyang sipag naka ipon si Ricky ng sapat na pera upang makabili ng isang sasakyan na kanyang inirihistro bilang pampasaherong sasakyan. Maliban pa dito nabigyan niya din ng maliit na sari-sari store ang kanyang asawang si Sol na malaki ang naitulong sakanila upang mapag-aral ang kanilang mga anak.

Photo credits: Ricky Dimaala | Facebook

Nakabili din property si Ricky sa Caloocan kung saan dito sila kasalukuyang nakatira at isa sa kanyang talagang pinag ipunan ay ang kanyang nabiling 300 sqm na lote sa Silang Cavite na pangarap niyang mapatayuan ng retirement house nila ng kanyang asawa.

Nang mapagtapos ni Ricky at kanyang asawa ang kanyang mga anak sa pag-aaral at may kanya kanya ng trabaho nagdesisyon na itong umuwi sa Pilipinas at magretiro sa kanyang trabaho abroad.

Photo credits: Ricky Dimaala | Facebook

Nagdesisyon si Ricky at ang kanyang asawa na unti unti ng buoin ang kanilang pangarap na retirement home sa kanilang nabiling lote sa Silang sa pamamagitan ng pagpapatayo ng pader sa palibot nito.

Dapat noong una ang plano lang nila ay pagawan lang ng pader ngunit dahil may kakaunti pang naipon ay itinuloy nila ito sa pagpapagawa ng bahay. Kumuha si Ricky ng contractor at araw-araw din siyang nakasubaybay dito upang siguraduhin na nasusunod lahat ng kanilang gusto para sa kanilang retirement house.

Photo credits: Ricky Dimaala | Facebook

Photo credits: Ricky Dimaala | Facebook

Dahil narin sa tulong ng kanilang mga anak na nag-ambagan para sa pagpapagawa nito, natapos ang pangarap na retirement house ng mag-asawa.

Narito at silipin ang kanilang napakagandang retirement home na bunga ng kanilang pagsusumikap sa buhay.

Sa larawang ito masisilayan ang napakagandang disenyo ng kanilang bahay na may napakaraming ilaw sa labas na nagbibigay ng nakakarelax na liwanag kapag gabi.

Photo credits: Ricky Dimaala | smartparenting.com.ph

Malawak naman ang outdoor area ng mag-asawa kung saan pwedeng pwede magtakbuhan ang kanilang mga magiging apo dito, makikita din ang isang maliit na kubo kung saan dito sila nagpapahinga at natutulog kung tanghali kasi presko.

Photo credits: Ricky Dimaala | smartparenting.com.ph

Isa naman sa pinaka paboritong parte ng bahay ng mag-asawa ay ang kanilang napakalawak na veranda kung saan dito nila balak magbonding ng pamilya, magsoundtrip, videoke at kung ano ano pang family activities.

Photo credits: Ricky Dimaala | smartparenting.com.ph

Mapapansin din ang isang outdoor nook malapit sa kanilang veranda kung saan dito i-entertain ni Ricky ang kanyang mga kumpare at kaibigan na bibisita sakanila.

Photo credits: Ricky Dimaala | smartparenting.com.ph

Naglagay naman ang mag-asawa ng duyan kung saan minsan dito sila nagpapahinga lalo na kung hindi mainit ang sikat ng araw.

Photo credits: Ricky Dimaala | smartparenting.com.ph

Sa kasalukuyan ay wala pa silang mga appliances at furniture sa loob ng kanilang bahay dahil pinagiipunan pa nila ito, at balak talaga nila na lumipat dito kapag sila ay 60 na, kung saan may sapat pa silang panahon para makapag ipon at para din makumpleto lahat ng kanilang gustong ilagay sa loob ng kanilang bahay.

Sa kanilang living room mapapansin ang napakagandang wood flooring na maganda naman ang combination sa kanilang puting wallings. Pagakyat naman sa hagdan ay may malawak pa na espasyo kung saan balak ng mag-asawa na maglagay pa dito ng mga furnitures at upuan para maging sala sa taas.

Photo credits: Ricky Dimaala | smartparenting.com.ph

Ang pinto naman na ito sa taas kung mapapansin ninyo ay patungong attic kung saan ginawa ng mag-asawa na bedroom na para sa isa sa kanilang mga anak.

Photo credits: Ricky Dimaala | smartparenting.com.ph

Ito naman ang kwarto ni Ricky at ni Sol na napaka ganda at galante, dahilsa napakagandang kombinasyon ng wood flooring at wall. May dalawa din silang naglalakihang bintana na nagbibigay sa kwarto nila ng maliwanag at natural na ilaw kapag umaga.

Photo credits: Ricky Dimaala | smartparenting.com.ph

Simple naman ang disenyo ng kanilang kusina kung saan naka pwesto ito malapit sa kubo sa likod ng kanilang bahay. Pinaganda din ng mag-asawa ang sahig ng kanilang kusina kung saan nilagyan nila ito ng tiles na hindi madulas para kapag umuulan at galing sila sa labas ay hindi sila madulas.

Photo credits: Ricky Dimaala | smartparenting.com.ph

Ibinahagi naman ni Ricky na walang imposible basta masipag at matiyaga lang at siguraduhin na walang tinatapakan na ibang tao sa pag abot ng tagumpay. Dahil dito lahat ay posible basta manalig lang din at laging magdasal sa diyos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *