Isang Pinoy OFW Ibinahagi ang Katas ng Kanyang Pinaghirapan sa Ibang Bansa ng Ilang Taon

Madalas tayo nakakapanood o nakakabasa ng mga successful story ng ating mga kababayan na OFW sa ibat-ibang panig ng mundo na nagbibigay inspirasyon sa maraming tao, ilan sa mga kwentong ito ay ang kanilang mga tagumpay na makamtan ang pangarap na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya, mapagtapos ang mga anak sa pag-aaral at makabili ng lupa at makapagpatayo ng sariling bahay.

Isa sa hinangaan sa social media ay ang OFW na ito na nagtratrabaho sa bansang norway at nagsisimula nadin gumawa ng kanyang mga youtube videos at isa nga sa kanyang mga ibinahagi na video ay ang kanyang 2-storey modern house na may 3 beedrooms at 3 toilet and bath.

Photo credits: Scandinavian Vlogs | Youtube

Sa kanyang Youtube Channel na kanyang pinangalanan na Scandinavian Blogs, ipinakita niya ang katas ng pinaghirapan nilang mag-asawa bilang OFW sa ibang bansa. Halos dalawang taon din silang nagipon para dito at sa wakas ay natitirhan na nila ito ngayon.

Inabot lang ng halos isang taon ang pag-papagawa nila sa bahay nilang ito na itinayo nila sa nabili din nilang lote sa isang subdivision sa Negros. May sukat na 120 square meters ang nasabing bahay kung saan may tatlo itong kwarto at tatlo ding toilet and bath.

Pagpasok sa bahay ay bubungad ang kanilang tinatawag na receiving area kung saan naglagay sila ng isang sofa dito na gawa sa mahogany at nagpasadya lang sila ng mga foam para dito Japanese inspired naman ang disenyo nito na sila mismo ng kanyang asawa ang nagisip.

Photo credits: Scandinavian Vlogs | Youtube

Maliban sa maindoor ay mayroon din ditong glass door na pwedeng buksan para mas maging presko sa loob ng kanilang bahay, naglagay lang sila dito ng screen door upang hindi makapasok ang mga insekto at lamok.

Photo credits: Scandinavian Vlogs | Youtube

Mas nagpaganda naman dito ang inilagay nilang insdustrial chandelier na may ibat-ibang kulay ng ilaw, naglagay din sila ng mga pin light at cove lights na nagbibigay ng warm at nakakarelax na sinag ng liwanag kapag gabi.

Photo credits: Scandinavian Vlogs | Youtube

Napakaganda din ng pagkakagawa ng mga built-in open cabinets na ito na nakahang kasama ang kanilang telibisyon. Naglagay naman sila ng ibat-ibang palamuti dito gaya ng mga tasa na may mga disenyo, mga ibat-ibang wall arts design.

Photo credits: Scandinavian Vlogs | Youtube

Maliban pa jan ay kapansin pansin din ang napakalaking mirror na ito na mula floor hanggang ceiling.

Photo credits: Scandinavian Vlogs | Youtube

Very functional naman ang kanilang kusina dahil namamagitan dito ang isang countertop bar na nagsisilbing additional lamesa na pwedeng lagyan ng mga pagkain, pwede ding kainan, inuman habang nagluluto.

Photo credits: Scandinavian Vlogs | Youtube

Kapansin pansin naman ang disenyo ng drop ceiling nila sa kusina na kulay orange ang kulay at pinalibutan ng pin lights na nagbibigay ng maliwanag na ilaw tuwing nagluluto sila dito sa gabi. Katulad sa sala naglagay din sila ng industrial na ilaw dito na may tatlong kulay na yellow, red at blue.

Photo credits: Scandinavian Vlogs | Youtube

Mayroon din sila ditong toilet na para sa baba na pwedeng gamitin ng kanilang mga bisita.

Ipinasilip din nito ang kanilang bedroom na kahit di kalakihan ay napakaganda naman ng disenyo kung saan naka cove lights din at may chandelier.

Photo credits: Scandinavian Vlogs | Youtube

Photo credits: Scandinavian Vlogs | Youtube

May sarili din itong banyo, at napakalaki din ng kanilang bintana na pwede nilang open sa gabi kapag gusto nila ng sariwang hangin dahil safe din ito kasi nilagyan nila ng grills.

Photo credits: Scandinavian Vlogs | Youtube

Napakaganda din ng pagkakagawa ng kanilang hagdan papuntang second floor na talagang pinagplanohan at pinaganda ng husto.

Photo credits: Scandinavian Vlogs | Youtube

Photo credits: Scandinavian Vlogs | Youtube

Photo credits: Scandinavian Vlogs | Youtube

Pag-akyat sa taas ay bubungad naman dito ang kanilang family area o ang kanilang sala sa 2nd floor na nilagyan nila ng kulay brown na L-shape sofa at mga kulay orange na unan. May sarili din ditong telebisyon at refrigirator ang pamilya at may daan papunta sa kanilang munting balkonahe na may napakagandang view ng kanilang kapaligiran.

Photo credits: Scandinavian Vlogs | Youtube

Photo credits: Scandinavian Vlogs | Youtube

Photo credits: Scandinavian Vlogs | Youtube

Dito din sa 2nd floor matatagpuan ang dalawa pang kwarto na may kanya kanya ding toilet and bath.

Proud naman nilang ibinahagi na sa awa ng diyos ay hindi sila nangutang para lang mabuo ang bahay na ito dahil lahat ng kanilang gastos dito ay mula sa kanilang ipon.

Hindi din biro ang pinagdaanan ng mag-asawang ito bago nila nakamit ang kanilang pangarap na bahay dahil kinailangan nilang magsakripisyo sa ibang bansa para lang makapag-ipon at maipagawa ang kanilang dream house na ito para sakanilang pamilya.

Simpleng house tour ng isang OFW

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *