Isang Pamilya sa Tarlac Nakapagpagawa ng Sariling Swimming Pool sa Likod ng Kanilang Bahay sa Halagang Php10,000

Dahil sa mainit na klima sa Pilipinas, madami ang nangangarap na magkaroon ng sariling swimming pool sa kanilang bahay, hindi ito madaling gawin dahil unang isinasaalang-alang dito ay ang budget sa pag-papagawa at sympre ang pag maintane nito.

Hindi biro ang magkaroon ng sariling swimming pool pero madami pa din ang nagkakaroon dahil sa kanilang diskarte. Madami ang nag di Diy at may ilan din na nagpapagawa na swak lang sakanilang budget.

Katulad nalang ng pamilya ni Michael at Rose Ann Bautista na nakaisip magpagawa ng swimming pool noong nagkaroon ng malawak na lock-down sa buong pilipinas. Wala umanong magawa ang pamilya sa kanilang bahay noong panahon ng lockdown, gustuhin man nilang mag outing at maligo sa dagat ay hindi sila basta basta makalabas dahil sa takot narin na mahawa sa sakit.

Nakaisip ang mag-asawa na magpatayo ng budget friendly na swimming pool kung saan gumastos lamang sila ng mahigit kumulang Php10,000. Para makatipid ang mag-asawa na ang nag disenyo ng swimming pool na ito kung saan kinuha lang din nila ang idea sa internet. Umupa naman sila ng trabahador upang masigurado na pulido at maayon sa kanilang kagustuhan ang ipapagawa nilang mini swimming pool.

Sa pagpipintura naman ay ang mag-asawa na ang nangasiwa upang makabawas narin sa babayaran nilang labor. Pagbabahagi ng mag-asawa na hindi tiles ang kanilang ginamit sa sahig ng kanilang swimming pool kundi epoxy paint, wala naman daw silang dapat ipagkabahala na baka masugatan o madulas ang kanilang mga anak dito dahil rubberized ang texture ng epoxy paint na kanilang ginamit kung saan hindi ito madulas o matigas.

Gawa naman sa hollowblocks at semento ang kanilang pool at kahit ang hagdan na nagsisilbing akyatan papunta sa platform ng pool. Naglagay naman sila ng mga railings sa hagdan upang magsilbing harang at hawakan kapag aakyat sa swimming pool. Mapapansin din na nakaelevate ang swimming pool nila na ito kung saan ang taas ay nilagyan nila ng magaspang na tiles upang iwas narin sa dulas.

Tubig puso naman ang ginagamit nila na tubig dito at nilalagyan lang nila ng chlorine upang masiguradong malinis. Pinapalitan nila ang tubig dito tuwing 2-3 araw, ang tubig naman na kanilang kinukuha dito ay ginagamit nila sa pagdilig ng mga halaman, pang linis, at kung ano ano pa na pwedeng pagamitan nito.

Enjoy na enjoy naman ang kanilang buong pamilya ng matapos na ang kanilang swimming pool na ito kung saan talagang sulit na sulit ang kanilang pag-papagawa dito dahil kahit anong oras pwede sila mag bonding na pamilya dito.

Pagbabahagi naman ng mag-asawa na parang nagkaroon sila ng mini resort dahil kapag mayroon selebrasyon sa kanilang pamilya ay hindi na nila kailangan lumabas para umupa ng resort na may pool dahil mismong sa likod na ng kanilang bahay sila nag cecelbrate at naliligo.

“Tamang space lang sa likod ng bahay may mini resort na. Enjoy na mga kids at buong pamilya!”

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *