Isang Pamilya, Nilisan ang Condo sa Makati at Nagpatayo ng Modernong Bahay Kubo sa Probinsya upang dito na Manirahan

Karamihan sa mga pilipino ay mas gustong manirahan sa isang lugar kung saan mapayapa at simple lang ang buhay, ngunit ilan sa ating mga kababayan ay walang choice kundi manirahan sa syudad dahil andun ang malaking oportunidad lalo na ang kani-kanilang mga trabaho.

Marami din ang may mga kakayahan na mag may-ari at manirahan sa mga high rise buildings at condominium pero hindi lahat ng mga ito ay masaya at kuntento, may ilan pa din na ibenebenta nila o di naman pinapaupahan nalang nila ang kanilang mga nabiling condominium upang manirahan sa mas tahimik at malayo sa ingay ng syudad kagaya ng probinsya.

Isa sa pamilya na iniwan ang kanilang condominium sa Makati upang manirahan sa kanilang probinsya ay si Joey Ong. Sa ginawang eksklusibong tour ng Smart Parenting sa kanyang ipinagawang modern bahay kubo, ipinasyal ni Joey ang mga taga subaybay nila dito at ibinahagi bakit nga ba nila nilisan ang tirahan sa lungsod para ipagpalit ang simpleng buhay sa probinsya.

Photo credits: smartparenting | Youtube

Photo credits: smartparenting | Youtube

Photo credits: smartparenting | Youtube

Pagpasok sa property makikita ang dalawang kubo dito, ang isa ay ang kanilang siesta kubo at ang isa naman ay ang main house kung saan dito sila naninirahan.

Photo credits: smartparenting | Youtube

Photo credits: smartparenting | Youtube

Mapapansin na ang primerong materyales na ginamit ni Joey sa kanilang bahay kubo ay Bamboo dahil umano mas gusto niya natural ang itsura ng kanyang bahay at nagaadapt sa magandang kapaligiran.

Photo credits: smartparenting | Youtube

Isa pa sa ikinagulat ni Joey ay halos 21 days lang daw ang tinagal ng kanyang pag papagawa ng kanilang modernong bahay kubo na ito. Ayon kay Joey na may sukat ang kanyang bahay kubo na 52 sqm samantalang ang kanilang sukat ng lote ay 1000sqm. Hindi masyado pinalaki ni Joey ang kanyang bahay kubo dahil gusto niya ay magkaroon sila ng napakalawak na kapaligiran kung saan pwede sila mag gardening at malawak ang tatakbohan ng kanyang anak.

Photo credits: smartparenting | Youtube

Mapapansin naman pagpumasok ka sa porch ng kubo ay may dalawang kwarto, unang ipinakita ni Joey ay ang kanilang kwarto kung saan sila natutulog. Mapapansin din ang simple nitong disenyo pero may pagka moderno sa loob. Maaliwalas naman ang loob ng kanilang kwarto dahil sa naglalakihang mga bintana na nagbibigay sakanila ng natural na liwanag kapag umaga. Siliding door naman ang pagitan ng kwarto at banyo ni Joey kung saan pagpasok sa banyo makikita ang maluwag na espasyo at napakaaliwalas at napakalinis na comfort room.

Photo credits: smartparenting | Youtube

Photo credits: smartparenting | Youtube

Photo credits: smartparenting | Youtube

Sa kabilang room naman ay replica ng unang ipinakita na kwarto ni Joey kung saan may sarili din itong cr na kaparehas na kaparehas ng kabila. Fully airconditioned din ito at napakaaliwalas dahil sa naglalakihang mga bintana. Ipinagawa talaga ito ni Joey para sakanilang mga kamag-anak na dumadalaw sakanila upang may matulugan ang mga ito.

Photo credits: smartparenting | Youtube

Sa likod naman ng kubo makikita ang napakaganda at napaka organized na outdoor kitchen ni Joey kung saan dito sila nagluluto, naghuhugas ng mga pinagkainan.

Photo credits: smartparenting | Youtube

Photo credits: smartparenting | Youtube

Samantala may mga ongoing project pa si Joey kung saan may mga ilalagay pa sya sa ibang parte ng kanilang lupa at isa na dito ay open activity area na ang flooring daw ay gagawin niyang bricks.

Photo credits: smartparenting | Youtube

Ipinasilip din ni Joey kung saan niya ipwepwesto ang kanyang garden na gagawin niyang elevated. Balak niya magtanim dito ng ibat-ibang gulay na kung saan pwede nila pitasin anytime na sila ay may lulutin.

Photo credits: smartparenting | Youtube

Ipinasilip din ni Joey ang kanilang siesta kubo kung saan dito sila madalas naghahangout ng kanilang pamilya kapag umaga, dito din sila minsan kumakain at natutulog dahil mas presko umano dito.

Photo credits: smartparenting | Youtube

Photo credits: smartparenting | Youtube

Photo credits: smartparenting | Youtube

Kwento ni Joey na nagdesisyon sila manirahan sa probinsya ng magsimula ang pandemya, madami ang kanilang isinacrifice ng lumipat sila dito pero para sakanilang nagsisimula ng pamilya, worth it ang kanilang naging desisyon dahil naranasan nila ang mamuhay ng simple at masaya ng walang masyadong inaalala.

From Condo To Kubo: Dad Gives A Tour Of Their Tiny Modern Kubo | Smart Parenting | Usapang Tatay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *