Isang Pamilya Proud na Ipinasilip ang Kanilang Naipundar na Loft-Style Tiny House na Naitayo Lamang sa Loob ng 54 na Araw

Patok na patok na ngayon sa social media ang mga tiny house kung saan madalas na natin itong nakikita sa newsfeed ng ating facebook o kung hindi man ay sa ibat-ibang youtube channels.

Ang makapagpatayo ng pangarap na bahay ay isa sa pinaka masarap na pakiramdam, dahil dito nakikita na ang matagal na pinag ipunan at pinagpaguran. Ang mabigyan ng komportableng matitirhan ang pamilya ay talagang masasabi nating dream come true at sulit ang mga paghihirap, maliit man ito ang mahalaga ay may maayos na tirahan at masaya ang pamilya.

Katulad nalang ng pamilya ni Ayen dela Cruz-Ylagan na matagal ng pinangarap na magkaroon ng sariling tahanan para sa kanilang pamilya na ngayon ay kanilang naisakatuparan na.

Dahil sa kanilang dedikasyon at pagsisikap, nakapagpatayo ng isang loft-style tiny house ang mag-asawang si Ayen at Apollo. Sa tulong ng kanilang kaibigan na Enhinyero naiskatuparan ang pangarap nilang tahanan na kanilang kinuha lang ang idea sa internet at social media.

“Before i-design ng engineer namin ‘yung tiny house, we sent him a lot of ideas na na-search namin from Google, Tiny House Nation on Netflix, and sa Tiny House pages on Facebook. We’ve always wanted to have a simple house, a tiny house with a loft dahil sobra kaming na-inspire sa mga napapanood namin,”ayon kay Ayen.

Ang kanilang tiny house na ito ay nakatayo sa lote na may sukat na 4 na metrong lapad at 17 metrong haba. Bagamat maliit lang ang kanilang bahay ay nabigyan ito ng magandang disenyo at na maximized ng maayos ang bawat espasyo kung saan walang naging sayang at lahat ay nagamit.

“We came up with a design that works with the space we have, plus it leaves us with a decent space in front and at the back of the property.”

Makikita sa larawan na ito na talagang kuhang kuha ang disenyo ng kanilang bahay base sa kanilang kagustuhan. Napakapulido din ng pagkakagawa ng kanilang bahay na masasabi mong talagang good investment at siguradong kasama na nila ito sa pagtanda.

Masayang masaya naman ang mag-asawa dahil lahat ng kanilang gusto para sakanilang bahay ay nagawa ng kanilang contractor na kaibigan.

“We’re really happy na-achieve ang look na gusto namin kaya na-inspire ako i-share sa Home Buddies. We’re glad na madaming naka-appreciate ng aming simple house.”

Pagpasok naman sa loob ng kanilang bahay ay magugulat ka na nagmuka itong malaki dahil sa kanilang high ceiling at sa mga malalaking bintana na nagbibigay ng natural na ilaw sa loob ng kanilang tahanan.

Para sa pamilya Ylagan, hindi mahirap ang manirahan sa isang tiny house lalo na kung masaya naman kayo dito at masasabi ninyong pagmamay-ari at may sarili kayong tahanan lalo na at dati ay nangungupahan lang sila sa isang apartment. Mabilis silang nakapag adjust at naenjoy ang paninirahan dito.

Sa ngayon pinagiipunan naman nila ang pagpapagawa ng extra room para sa kanilang anak.

Samantala nagbigay naman ng payo ang pamilya Ylagan sa mga nangangarap na magpatayo ng kanilang tiny house kagaya sakanila na kailangan na magresearch muna ng mga disenyo at humingi ng gabay at payo sa mga propesyonal upang ang pangarap ninyong bahay ay maisakatuparan na naayon sa inyong gusto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *