Isang Pamilya Nagpatayo ng Kanilang Dream Farm House sa Lipa Batangas kung saan may Makapag Pigil Hininga na Tanawin ng Mt. Malarayat

Isa sa pangarap na maituturing ang makapagpatayo ng simpleng bahay sa lugar kung saan may napakagandang view ng kapaligiran at kabundukan, malamig na klima at sariwang hangin, tahimik na kapaligiran kung saan nakakapag relax ka malayo sa ingay ng syudad at higit sa lahat ay ang manirahan dito ng simpleng buhay kasama ang pamilya.

Nang magsimula ang pandemya madami ang hindi nakalabas ng kanilang tahanan kaya naman maraming kwento ng pagpapagawa ng farmhouse, bahay kubo, container house sa kanikanilang probinsya ang umusbong at nagviral sa social media.

Katulad nalang ng pamilyang ito na natrigger magpagawa at idevelop ang kanilang bakanteng lote sa Lipa, Batangas kung saan mayroon na sila ngayon ditong mini park, tree house, orchard swimming pool at napakagandang bahay.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Sa panibagong episode na inilabas ng youtube channel na OG, ibinahagi nila ang napakagandang green property na ito sa Lipa na may makapagpigil hiningang ganda ng kapaligiran at tanawin ng Mount Malarayat.

Photo credits: OG | Youtube

Pagbabahagi ng property owner na sinimulan nila ito edevelop sa pamamagitan ng paglalagay ng gravel road para maging accessible sa mga delivery trucks ng kanilang mga materyales, nagtayo din sila dito ng bakod sa palibot ng kanilang property upang masigurado ang kanilang seguridad.

Photo credits: OG | Youtube

Para mas maging livable ang lugar na ito sakanila, nagpatayo sila dito ng bahay. Dapat noong una ang balak talaga nila ay container house ngunit mas pinili nila ang prefab house na ito ng kompanyang cubo.ph dahil wala umano silang oras na bantayan ang pagpapatrabaho kaya mas pinili nila ang costumized house na ito na itinayo lang sa loob ng isang buwan.

Photo credits: OG | Youtube

Pero bago ang kanilang prefab house na ito na gawa sa bamboo, ay nakapag pagawa din ang pamilyang ito ng Bahay Kubo na kumpleto sa kagamitan ang loob. Ayon sa property owner na ang bahay kubo na ito ay para sa kanilang mga guest na bumibisita sa kanilang farm house o di naman kaya sa kanilang mga magulang at kamag-anak.

Photo credits: OG | Youtube

Sa loob ng kubo na ito ay may 2 bedrooms, living room, kitchen, dining room, at bathroom kung saan kumpletong kumpleto sa pangangailangan ng kanilang mga bisita.

Photo credits: OG | Youtube

Katabi naman ng kanilang kubo ay ang isang half court basketball court na kakapagawa lang nila.

Photo credits: OG | Youtube

Malapit naman sa basketball court ay ang outdoor kitchen ng pamilya na may brick over kung saan balak nila na mag bake ng sarili nilang gawang pizza.

Photo credits: OG | Youtube

Ang property nila na ito ay may aabot ng isang hektarya ang lapad samantala ang kanilang prefab house naman na gawa sa bamboo ay may floor area na 125 sqm kung saan mayroon 80 sqm livable space.

Photo credits: OG | Youtube

Pagakyat palang sa malawak na veranda ng kanilang prefab house masisilayan na agad ang napaka eleganteng sahig na gawa sa bamboo. Pag pasok naman sa loob ay unang bubungad ang living room kasunod naman ang dining room.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Hindi ganoon kalakihan ang bahay na ito, ngunit ang mahalaga ay komportable silang pamilya. Mayroong dalawang kwarto ang bahay nilang ito na para sakanilang mag-asawa at sakanilang mga anak.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Common naman ang cr ngunit malawak ang espasyo. Samantala kapansin pansin naman ang barn door na ito na papunta namang kusina ng pamilya.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Ang deck area naman ang pinaka higlights ng kanilang bahay kung saan may access sila sa swimming pool. Makikita naman sa area na ito ang napakagandang tanawin ng kabundukan ng Mt. Malarayat.

Photo credits: OG | Youtube

Mayroon din sila ditong outdoor dining area kung saan dito sila minsan kumakain at nagbobonding ng pamilya kapag naliligo sa pool.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Aabot naman ng halos 4 milyon ang nagastos nila sa prefab house na ito kasama na ang mga pondasyon, septic tank mga additional lights, shipping at pag assemble at marami pang iba na kanilang idinagdag dito.

Ayon sa pamilya na every weekend umuuwi sila ng pamilya dito upang magbakasyon at mag relax at isa sa kanilang napapansin ay kapag andito sila lagi silang maaga nagigising kumapara sa buhay nila sa syudad.

Noong una nahirapan sila mag-adjust sa pagtulog dahil sa natural na ingay ng kapaligiran kagaya ng ingay ng mga kuliglig, tuko, palaka pero habang nagtatagal ay nakakapag adjust na sila at nakakatulog na ng maayos.

Talagang kahanga hanga at isang dream come true para sa pamilya na ito ang magkaroon ng ganito kaganda na property sa napakaganda at nakakarelax na lugar na ito.

Narito at panoorin ang kabuoang tour sa napakagandang greeny property na ito.

Swoon Over This DREAMY Farmhouse in Lipa, Batangas with Unique Indoor-Outdoor Living | Unique Homes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *