Isang Pamilya Gumastos ng Php500,000 sa Kanilang Napaka Gandang Container-Inspired House sa Bukidnon

Sa buhay may mga pangyayari talaga na hindi natin inaasahan na bigla bigla nalang darating yung tipong magugulat ka nalang at anjan na bigla. Ito ang na experience ng pamilyang ito pero in a good way dahil sa hindi nila inaasahang pangyayari ay nakapagpatayo sila ng napakagandang container inspired house na ito.

Taong 2020 ng ipalaganap ng gobyerno ang lockdown dahil sa kumakalat na pandemya at isa sila Shirley Joy Martir at kanyang pamilya ang hindi makalabas at na-istock silang pamilya sa bahay ng kanilang mga magulang sa Bukidnon.

May limang anak sila Shirley Joy at asawa nito kaya naman siksikan na sila sa bahay ng kanilang mga magulang. Dito nagdesisyon ang mag-asawa na magpatayo ng isang simple at katamtaman lang na bahay na pwede nila tirhan habang sila ay nasa Bukidnon.

Unang plano ng pamilya ay magpagawa ng isang bahay na gawa sa container, ngunit ang problema ay ang masukal at lubaklubak na kalsada kung saan hindi kayang daanan ng malalaking truck na magdedeliver ng container.

Photo credits: Real Living Philippines | Youtube

Isa pa sa kanilang isinaalang alang ay ang kanilang budget sa pag-papagawa dahil noong kanilang kinumpute talagang malaki ang magagastos kaya naman nag desisyon sila na i-costumized nalang ito at gawing kamuka ng isang container house.

Photo credits: Real Living Philippines | Youtube

Photo credits: Real Living Philippines | Youtube

Kaya naman upang mag mukang container-van house gumamit ng roofing materials ang mag-asawa, may sukat naman na 12 feet wide, 20 feet long at may taas na 14 feet kung saan mas malaki pa ito sa aktuwal na sukat ng isang shipping container.

Photo credits: Real Living Philippines | Youtube

Gumastos naman sila dito ng mahigit kumulang Php500,000 sa construction kung saan nakatayo naman sa lupain ng kanyang ama ang kanilang container-inspired house na ito na hindi sila siningil bagkus binigyan pa sila nito ng mga coconut trees para gawing coconut lumber at magamit sa pundasyon ng bahay.

Photo credits: Real Living Philippines | Youtube

Isa naman sa pinaka paboritong espasyo ng pamilya sa kanilang container inspired house ay ang kanilang beranda kung saan dito sila madalas nagbobonding na pamilya, kumakain, nanonood ng TV, nageentertain ng kanilang mga bisita, dahil dito sa spot na to ng kanilang bahay ay sobrang relaxing at sariwa ang hanging.

Photo credits: Real Living Philippines | Youtube

Photo credits: Real Living Philippines | Youtube

Para kay Shirley Joy at sakanyang pamilya na hindi lang ito itinuturing nilang pansamantalang tirahan kundi isang permanenteng bahay para sa kanilang pamilya na kanilang babalikbalikan at hahanap hanapin tuwing sila ay uuwi sa bukidnon.

Photo credits: Real Living Philippines | Youtube

Photo credits: Real Living Philippines | Youtube

Dito din nila na diskubre at naramdaman na masaya pala ang manirahan ng simple sa probinsya kung saan walang masyadong iniisip at ang ingay na naririnig ay hindi ingay ng mga sasakan kundi ingay ng mga tuko, kulig-lig, palaka, ibon, manok at kung ano ano pang hayop at insekto na nakapalibot sa kanila na nagbibigay ng masarap na tunog sa tenga at nakakarelax na pakiramdam.

Photo credits: Real Living Philippines | Youtube

Photo credits: Real Living Philippines | Youtube

Photo credits: Real Living Philippines | Youtube

Photo credits: Real Living Philippines | Youtube

Photo credits: Real Living Philippines | Youtube

Photo credits: Real Living Philippines | Youtube

Isa pa ay ang tunog ng ng agos ng ilog dahil malapit lang sila dito. Isa pa dito ay ang napakasarap na sariwang simoy ng hangin na nagtatangal ng stress ng pamilya.

Kakaibahay Episode 04: A Container-Inspired Family Home in Bukidnon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *