Isang OFW sa Israel, Natatamasa na ang Katas ng Kanyang Pinag Paguran sa Ibang Bansa Matapos Makapag Pundar ng kanyang Pangarap na 2-Storey Dream House para sa Pamilya

Mahirap maging isang OFW sa ibang basa lalo na at nag-iisa ka lang doon at malayo sa pamilya, ngunit para sa pangarap na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya tinitiis ang lahat ng lungkot at hirap.

Isang OFW sa Israel ang hinangaan sa social media matapos nitong ibahagi ang kanyang kahanga hanga na kwento ng tagumpay. Siya si Emz Amita isang caregiver sa Israel na iniwan ang pamilya para sa pangarap nitong mabigyan sila ng magandang buhay.

Dahil sa sipag at tiyaga ni Emz nakapagpatayo na siya ngayon ng kanyang 2-storey dream house na kanyang ibinahagi ang bawat detalye sa kanyang youtube channel.

Maliban kasi sa pagiging caregiver ni Emz ay nahiligan narin niya ang pag vivideo dahilig mahilig din ito mag travel, kung saan gumawa siya ng kanyang youtube channel at ibinabahagi niya dito ang kanyang buhay bilang isang OFW sa ibang bansa. Ilan pa sa mga ibinahagi ni Emz ay kung papaano siya nakarating sa Israel at isa sa pinaka latest na umani ng maraming views ay ang katas ng kanyang pagiging isang OFW, ang pagpapagawa ng kanyang dream house.

Photo credits: Ms Emily | Youtube Channel

Kwento ni Emz na matagal ng pangarap nila ng kanyang asawa na magkaroon ng sariling bahay dahil sa loob ng 13 taon nilang pagsasama ay naka 7 beses na silang palipat lipat ng bahay.

Photo credits: Ms Emily | Youtube Channel

Nagrerent lang sila ng bahay noon kung saan available at mura, ngunit mahirap sa kanilang mga anak dahil apektado ang mga ito. Dahil kapag lumilipat sila ng tirahan, napipilitan din ang kanilang mga anak na lumipat ng eskwelahan na malapit sa bahay na kanilang lilipatan.

Ngunit ngayong maysarili na silang bahay walang dapat ipagkabahala si Emz at kanyang asawa dahil may permanente na silang address at hindi narin kailangan ng kanyang mga anak na magpalipat-lipat ng eskwelahan.

Photo credits: Ms Emily | Youtube Channel

Ibinahagi din ni Emz na napakasarap daw sa kanyang pakiramdam na yung kanyang pinagpaguran at pagsasakripisyo sa ibang bansa ay unti-unti niya ng nakikita at natatamasa. Isa pa sa nagpapasarap sa kanyang pakiramdam ay pagnakikita niya na lahat ng kanyang gustong disenyo para sa kanyang dream house ay nasunod.

Photo credits: Ms Emily | Youtube Channel

Photo credits: Ms Emily | Youtube Channel

Photo credits: Ms Emily | Youtube Channel

Photo credits: Ms Emily | Youtube Channel

Photo credits: Ms Emily | Youtube Channel

Photo credits: Ms Emily | Youtube Channel

December 22, 2019 bago magpandemya ng umuwi si Emz sa Pilipinas at ibinahagi nito sakanyang youtube channel ang katas ng kanyang pinaghirapan. Dito sa video na ito ipinasyal niya ang kanyang mga subscriber sa loob ng bahay na hindi pa tapos.

Photo credits: Ms Emily | Youtube Channel

January 24, 2020 naman ng opisyal na ibahagi ni Emz ang fully furnished house niya sa kanyang youtube channel na umabot sa halos 400,000 views ang kanyang house tour na ito. Pagbabahagi naman ni Emz na umabot sa 1.3 milyong piso ang kanyang nagastos sa pagpapatayo ng kanyang dream house na ito.

OFFICIAL HOUSE TOUR + Bakit 1.3M ang nagastos namin | Watch until the end | (PART 4/4)

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *