Isang Madiskarteng Ama, Nagpagawa ng Tiny House sa Lumang Water Tank nilang ito na Tinawag nilang “Tiny Tank House”

Isang napakagandang ideya ang naisip gawin isang ama para sa kanyang mga anak kung saan nga ang dating water tank at bodega ay nagawang isang napakagandang tank house. Ito nga ang naisip gawin ni Ronald “Tonton” Tan isang real estate owner.

CREDITS: Ronald Tan| YT

Kwento nga ni Tonton sa isang esklusibong panayam sa Summit OG, ngayong pandemya ay limitado na ang kanilang paglabas dahilan nga para mabagot at malungkot ang kanilang pamilya. Kaya naman, naisip niyang gumawa ng treehouse malapit sa kanilang tahanan ngunit walang gaanong puno sa kanila at ang nakita niya ay ang nakatenggang water tank.

CREDITS: Ronald Tan| YT

“Dahil nga sa pandemic na ito, nalungkot ako for my kids. Yung mga bata, even kami hindi kami makalabas, hindi maka-explore. So, nalilimit yung happiness and lifestyle ng family.”

Ipinakita nga ni Tonton, kung pano niya nabigyang katuparan ang pagpapaganda ng 5.4 sqm na tank house na may dalawang palapag at maihahalintulad na rin sa isang tunay na bahay.

Ang two-storey tiny house na ito ay may sariling kitchen, dining area, toilet and bath, bedroom, at may receiving area pa.

CREDITS: OG | Youtube

CREDITS: OG | Youtube

CREDITS: OG | Youtube

Tiniyak nga ni Tonton na maging functional ang bawat bahagi ng munting bahay. May sapat ring lagayan para sa mga damit at iba pa nilang gamit.

CREDITS: Ronald Tan| YT

“Dito sa taas, sa loft area of the house, pwedeng maglagay dito ng dalawang beds. Yung mga sofa namin nabubuksan. Sa ilalim ng kitchen it’s a cabinet.”

Ayon naman kay Tonton, kung nais magtayo ng isang tiny house ay pasok na ang budget na P60,000-P80,000. Ngunit, ang ginawang tiny house ni Tonton para sa kanyang pamilya ay gumastos siya ng P200,000 kung saan ay kompleto na.

CREDITS: OG | Youtube

CREDITS: OG | Youtube

CREDITS: OG | Youtube

Mula sa electrical outlets, lighting, at malaking windows. May lugar rin kung saan pwedeng magrelaks ang kanilang pamilya. Kasama na rin dito ang mga furniture at mga storage na lagayan ng kanilang mga kagamitan.

CREDITS: Ronald Tan| YT

“Nandyan na ‘yung pader, finished na siya, pwede na siyang tulugan.Pero ‘yung finishing niya, yung mga important parts yung mga lightings hindi pa kasama doon. For the construction of this tank house, ang nagastos ko is around Php200,000.”

CREDITS: OG | Youtube

Ayon naman kay Tonton ay nais niyang maghatid ng inspirasyon, at ibahagi na rin ang kanyang ideya sa mga taong nais ring maging masaya ang kanilang mga anak ngayong pandemya. Isa nga itong magandang paraan para makatipid lalo na ngayong panahon ng pandemya. Ang kanyang itinayong tiny house ay hindi lamang para pasayahin ang kanyang pamilya kundi para rin magbigay ng inspirasyon.

CREDITS: Ronald Tan| YT

“Naisip natin na maging inspiration ang building ng Tank House, not just for the family and the kids na para sumaya, but also to give inspiration sa mga nagtitipid ngayong pandemic.”

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *