Isang Caregiver sa Ibang Bansa Nakapagpatayo ng Kanyang Pangarap na Apartment na may Dalawang Palapag at 8 Kwarto

Ilan sa mga kababayan nating OFW ay wais na ngayon pagdating sa paghawak ng kanilang pera. Dahil sa kanilang kagustuhan na umasenso, inilalaan nila ang kanilang pera sa pagpundar ng sariling ari-arian o kaya naman ay sa edukasyon ng kanilang mga anak. Ang ilan naman sa kanila ay nag-iinvest sa iba’t ibang mga negosyo.

Ang pagpapaupa ng mga bahay at espasyo para sa mga negosyo ay isa ngayon sa mga itinuturing na magandang negosyo. Perpekto ito para sa mga taong nais magkaroon ng investment o passive income.

Para naman sa caregiver mula sa Israel na si Alonagee Rodriguez, alam niya at ng kaniyang fiancé na hindi nila gustong tumanda sa ibang bansa. Bagamat regular at malaki ang kanilang kita rito, nais pa rin nilang makabalik sa Pilipinas.

Photo credits: It’s me ALONAgee | Youtube

Dahil dito, ngayon pa lamang ay naghanap na sila ng iba pang mapagkakakitaan. Dito na nga nila naisip na magpagawa ng isang apartment.

Photo credits: It’s me ALONAgee | Youtube

Talagang swak na swak ito para sa kanila dahil bukod sa hindi na nila kakailanganin pang magtrabaho, regular din ang kanilang kita mula sa negosyong ito.

Sa tulong ng mga kapamilya ni Alonagee, Agosto noong taong 2018 ay nagsimula na nga ang konstruksyon ng kaniyang apartment. Mayroon itong dalawang palapag at walong kwarto kaya naman may kabuuan itong sukat na 120 sqm. Ang bawat kwarto naman ay may sukat na 25 sqm.

Photo credits: It’s me ALONAgee | Youtube

Photo credits: It’s me ALONAgee | Youtube

Bagamat maliit lamang ito, kumpleto na ito sa mga silid. Makikita sa bawat kwarto ang isang living area, kusina, bedroom, at palikuran. Gaya ng nabanggit, malaki ang naitulong ng pamilya ni Alonagee dahil sila mismo ang namahala sa pagpapatayo nito gayundin ang pagdedesenyo ng bawat kwarto.

Dahil dito, Enero nang sumunod na taon nang matapos ang konstruksyon ng apartment. Nagkakahalaga ito ng PhP2.4 million.

Photo credits: It’s me ALONAgee | Youtube

Bagamat malaki ang kaniyang nagastos para dito, sa kabutihang palad ay marami naman ang agad na umupa sa kaniyang apartment. PhP3,000 kada buwan ang rentang ibinabayad ng kaniyang mga tenants kaya naman kumikita si Alonagee ng PhP24,000 buwan-buwan mula sa kaniyang apartments.

Photo credits: It’s me ALONAgee | Youtube

Masasabing talagang isa itong magandang investment para kay Alonagee at sa kaniyang fiancé. Dahil dito, maaari na silang makapag-ipon para sa kanilang pagbabalik sa bansa.

SIMPLE BUSINESS | KATAS OFW | CAREGIVER IN ISRAEL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *