Isang Ama na Pa Ekstra-ekstra lang sa Trabaho Nakapag-ipon at Nakapagpatayo ng Pangarap niyang Bahay para sakanyang Pamilya sa Halagang Php50,000

Alam naman nating kung gaano kamahal magpagawa ng bahay, dahil hindi biro ang presyo ngayon ng mga materyales. Ngunit nakakabilib pa din ang ilang mga madiskarte nating kababayang pinoy na nakakagawa ng diskarte upang magkaroon ng komportableng bahay sa halagang abot lang ng kanilang bulsa.

Kagaya nalang ng pamilya ni Kuya Henry Tugot at asawa nitong si Rejeen Tugot na nakapagpagawa ng sarili nilang bahay sa halagang Php50,000.

Noong una pinagdududahan si Kuya Henry at hindi pinaniniwalaan sa kanyang mga sinasabing magtatayo siya ng sarili nilang bahay sa halagang Php50,000 na kanyang naipon. Ayon kay Kuya Henry na pinagipunan niya talaga ang bahay na ito para sakanyang pamilya at para may maayos silang matirhan lalo na kapag malakas ang ulan.

Photo credits: Russel Simorio | Facebook

Ayon pa kay Kuya Henry na isa ito sa kanyang mga pangarap na kanyang naisakatuparan niya, kung saan ang mabigyan ng disente at maayos na tirahan ang pamilya.

Imbis na umutang o magloan sa banko para sa kanyang pangarap na bahay, nagsikap si Kuya Henry at kahit paekstra ekstra lang sa ibat-ibang trabaho na pwede niyang pasukan ay kahanga hanga naman na naka ipon siya ng Php50,000 para sa pangarap niyang tahanan.

Photo credits: Russel Simorio | Facebook

Photo credits: Russel Simorio | Facebook

May sukat na 14×16 feet ang nagawang bahay na ito ni Kuya Henry kung saan gawa sa hollowblocks unang tatlong layer ng kanyang bahay upang magsilbing pundasyon, nilagyan niya naman ito sa itaas ng plywood upang magsilbing pader ng kanyang bahay, minasilyahan niya ito at kinulayan ng kulay light gray na pintura sa labas at puti naman sa loob.

Photo credits: Russel Simorio | Facebook

Photo credits: Russel Simorio | Facebook

Samantala cocolumber naman ang ginamit ni Kuya Henry bilang roof bracing ng kanyang bahay at yero naman sa mismong bubung. Napakaganda di ng inilagay na bintana ni Kuya Henry dito kung saan naglagay siya ng kulay itim na jalousie window glass.

Sa loob naman ay may 1 bedroom ito na fully airconditioned, maliit na sala, maliit na veranda at kusina at c.r. na saktong sakto sa lahat ng kanilang mga pangangailangan. Ang sahig naman ay pinatungan muna ng linoleum kung saan balak din ito gawing tiles ni Kuya Henry pagnagkaroon na siya ulit ng budget.

Inabot naman ng halos 25 days lang ang pagkakagawa dito ni Kuya Henry.

Photo credits: Russel Simorio | Facebook

Maliit man ang bahay na ito ang mahalaga ay masaya si Kuya Henry at ang kanyang pamilya at komportable sila dito kung saan may masasabi silang sarili nilang tahanan. Para sakanila isa itong dream come true.

Photo credits: Russel Simorio | Facebook

Photo credits: Russel Simorio | Facebook

Sa kasalukuyan ay naninirahan na dito si Kuya Henry kasama ang kanyang asawa at dalawa nitong anak.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *