Hugis Tatsulok na Bahay, Mukang Makitid at Masikip sa Labas, Ngunit Pagpasok ay May Napaka Gandang Disenyo at Luwag na Espasyo

Malayo pa lamang ay talagang agaw-pansin na ang bahay na ito. Bukod sa itim nitong kulay, kakaiba rin ang hugis nito. Sa unang tingin ay mukhang napakakitid ng bahay na ito ngunit kung titingnan mula sa itaas ay makikitang hugis tatsulok pala ito.

Talagang kakaiba ito kumpara sa mga bahay ngayon na karaniwang hugis parisukat. Dahil nga sa hindi pangkaraniwang hugis nito, paano nga ba napagkakasya ng mga may-ari ang kanilang kagamitan dito?

Photo credits: Fashion Boxes | Facebook

Pagpasok pa lamang sa tahanan ay makikita agad ang living area na napakalawak. Talagang kasyang-kasya dito ang ilang bisita. Mayroong open layout ang unang palapag ng bahay na ito kaya naman mula sa living area ay mapupuntahan agad ang kusina.

Photo credits: Fashion Boxes | Facebook

Photo credits: Fashion Boxes | Facebook

Mapapansing malawak pa rin ang espasyong ito ngunit siniguro ng mga may-ari na mayroon pa ring sapat na storage space at mga kabinet dito. Talagang bawat sulok ay sinigurong magagamit nang maayos dahil sa limitadong espasyo ng bahay. Dahil dito, maging ang ilalim ng hagdan ay ginawang playroom ng mga may-ari.

Photo credits: Fashion Boxes | Facebook

Sa ikalawang palapag ng bahay makikita ang kwarto kung saan kasyang-kasya ang buong pamilya at ang kanilang mga personal na kagamitan. Dagdag pa rito, mayroon din itong isang mini office. Sa dulo naman ng ikalawang palapag ay ang isang study area.

Photo credits: Fashion Boxes | Facebook

Photo credits: Fashion Boxes | Facebook

Photo credits: Fashion Boxes | Facebook

Photo credits: Fashion Boxes | Facebook

Bagamat makitid ang lugar na ito, komportable pa rin ang pag-aaral dito dahil sa isang bintana na nakatutulong upang maging maaliwalas ang bahaging ito ng bahay. Sa ikatlong palapag ng bahay ay ang roof deck kung saan maaaring makapagrelax at makapagbonding ang buong pamilya.

Photo credits: Fashion Boxes | Facebook

Dahil sa kakaibang arkitektura at mga matitibay na materyales na kailangang isaalang-alang sa paggawa ng bahay na ito, aabot sa humigit-kumulang PhP2 million ang maaaring magastos para sa pagpapatayo ng ganitong klaseng bahay.

Talagang minsan ka lamang makakakita ng kakaibang bahay na gaya nito. Kahanga-hanga hindi lamang ang hugis nito, kundi pati na rin ang pagiging malikhain ng mga taong nasa likod ng pagpapatayo nito. Nakakabilib rin kung paano napagkasya ang mga silid at ang mga importanteng kagamitan dito.

Kung noon ay halos imposibleng mapagtayuan ng bahay at mga establisyimento ang mga makikitid at maliliit na espasyo, maaari na ngayong gawing inspirasyon ang hugis tatsulok na bahay na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *