Noong kasagsagan ng Pandemya madami ang pamilyang hindi nakalabas ng kanilang bahay kung saan naging resulta ito ng pagkabagot, kaya naman ilan sa mga ito ay gumawa ng paraan upang libangin ang mga sarili at ang kanilang mga anak.
Isa sa mga naging creative na nanay ay si Mommy Arlene Flores na binigyan ng kakaibang glamping experience ang kanyang mga anak na hindi makalabas noon ng kanilang bahay sa pamamagitan ng pagpapaganda nito sa kanilang likod-bahay.
May dalawang anak si Mommy Arlene at talagang gumagawa siya ng paraan para ma-entertain ang kanyang mga anak noong kasagsagan ng pandemya. Dito pumasok ang idea kay Mommy Arlene na gawing glamping area ang likod-bahay nila kung saan nilagyan niya ito ng napakagandang itsura.
\
Photo credits: Arlene Flores | Facebook
Unang nakuha ni Arlene ang idea sa kanyang ina na nilagyan ng fake grass ang bakuran nito. Dito masaya ang kanyang mga anak na naglalaro kapag sila ay dumadalaw sa kanilang lola at sa katunayan nga binigyan nila ito ng pangalan na ‘Lollie’s Secret Garden’.
Dito naisipan ni Arlene na gawin din ito sa kanyang likod-bahay kung saan bumili din siya ng fake grass na may sukat na 22sqm sa halagang Php6,000. Noong una ay wala talaga sa plano ni Arlene na gawin itong glamping area para sa kanyang mga anak at balak lang nitong gayahin ang garden ng kanyang ina kung saan pwede gawing playgound ng kanyang anak hanggang biglang sumagi sa isip niya na may nabili pala siya dating tent kaya naman naisipan niya itong ilagay.
Photo credits: Arlene Flores | Facebook
Nilagyan naman ni Arlene ng comforter at mga unan ang loob ng tent kung saan maari maexperience ng kaniyang mga anak ang mag camping kahit nasa bahay lang. Nag lagay din siya ng picnic table kung saan dito sila minsan kumakain kapag gabi. Hinarangan niya din ng kid fence ang mga lugar kung saan may mga maaring makasakit sa kanyang mga anak.
Photo credits: Arlene Flores | Facebook
Isa naman sa mas nagpaganda sa lugar na ito ay ang mga inilagay na ilaw ni Mommy Arlene kung saan talagang nag bigay ng nakakarelax na ambiance ito tuwing gabi. Pinaganda niya din ang gilid kung saan nakatanim ang mga maliliit na puno matapos niya itong lagyan ng mga puting bato na nagbigay ng mas magandang itsura ng kapaligiran.
Photo credits: Arlene Flores | Facebook
Naglagay din siya ng mga christmas light sa mga puno at halaman na mas nagbibigay ng mas maliwanag at nakakarelax na ilaw sa kapaligiran. Inilagay din dito ni Mommy Arlene ang plastic slide na kanyang binili para sakanyang mga anak.
Photo credits: Arlene Flores | Facebook
Talagang kahanga hanga ang pagiging creative ni Mommy Arlene, lumalabas talag ang pagiging malikhain ng mga mommies kapag walang masyadong magawa sa bahay.